Babala po sa mga nagbebenta ng mga sasakyan:
Nais po naming ilathala ang insidenteng ito ukol po sa pagbebenta po natin ng ating mga sasakyan, o motorsiklo.
Mag-INGAT po tayo sa BUYER na miyembro ng “TMG/HPG” o sino mang may koneksiyon sa crame na maaring harangin ang ating ibenebenta.
Ito po ang isang halimbawa ng kanilang MODUS OPERANDI na nangyari po sa amin at sa ilan pang kaibigan, sila po ay pupunta sa inyong tahanan at makikipagtawaran sa inyong ibinebenta, kapag hindi po nila nakuha sa tamang presyo ang inyong sasakyan, ititimbre nila sa CRAME ang inyong sasakyan sa kasong “SUSPICIOUS VEHICLE”, ipadadala ngayon sa “LTO office” para kapag kayo ay nagparehistro o naglipat ng pangalan (change of ownership), sabit na ang inyong papeles, pagsusubmitin po kayo lahat ng itong dokumento:

Authenticated Photocopies of all Pertinent Documents

Vehicle Invoice Covering the Original Sale
Invoice/s of the Engine and Chassis
Deed of Sale from the first owner to the last registered owner
Previous PNP MV Clearance (for Original Registration)
Confirmation certificate of Engine / Chassis Numbers
Certificate of Plate Assignment
Confirmation of the Certificate of Registration
Others: MV pertinent documents

sa ganitong pangyayari, hindi po lahat tayo ay kumpleto lalo na at hindi po tayo ang unang mayari ng sasakyan, saang mundo po natin hahanapin ang mga ito sapagkat ang LTO mismo ay hindi po kumpleto lahat ng hinihingi nilang dokumento, kapag hindi po natin naisubmit ang mga ito kahit may “affidavit of warranty”, maari napo nilang imbitahan ng aktwal ang may aring nakarehistro at ang sasakyan, kapag nagkataon, kanila napo ang inyong sasakyan.
Sana po ay may naitulong itong babala sa inyong lahat para maiwasan po natin ang pagsasamantala po sa ating mga Sibilyan.
Sa kinauukulan, sana po ay ma-imbistigahan ang mga ganitong pangyayari lalo napo sa mga nagbubuy and sell ng sasakyan na taga TMG/HPG.

Maraming salamat po,

Concern Citizen