sir k.i.l.l. , sana makatulong ang memo galing mmda sa iba nating kasama dito. nakuha ko na ang license ko, bayad ng P 1thou. syempre, bago ko tinubos, nagpa emision test muna, as pre requisite sa pag tubos ng lisensya (na hindi naman pinaliwanag ng ASBU boys, at nabasa ko lang dun sa mmda memo). as usual, pasado sa emision test. walang magic ha, after ako mahuli, the next working day (nahuli kasi ako byernes, uwi ko gabi na, kaya monday na test). standard para sa sasakyan ko ay 3.5 , average value ay nasa 2.1 lang. yung resulta nung emision test nung asbu , umabot ng 9.99. palagay ko, hanggang dito lang yung metro, baka kung 2 digit pa yung whole number value, mas mataas pa lalabas sa kanila. ano mga aral mapupulot natin dito ? yun nga, dahil wala naman nakalagay sa memo na dapat bobombahin ang gas pedal, palagay ko , gaya ng mungkahi ng isa sa atin, wag tayo bumaba ng sasakyan., i test nila sa idle speed. ito, medyo madugo, pero papanaw ko lang ito ha, dapat sana may "PROOF OF CALIBRATION" nag mga gamit na ito. malay natin, kung nasa calibration pa ang gamit nila. hamibawa, dapat ang reading pala ay wala pang "2.0", pero dahil wala sa calbration ang emision test device,nag read siya ng 2.1. o di patay na tayo. dapat 'VERY PROMINENT" ang display ng calibration certificate at naka indicate ang validity nito. marami naman sa atin dito sa tsikot, na palagay ko nasa manufacturing or galing sa manufacturing sector, para mainitindihan nila ibig ko sabihin,. o , dito na lang muna,. at gaya nga ng nasabi ko dati, nag inquire muli ako sa mmda after ma email nila sa akin yung test procedure, kung puede ko ba i contest yung pagkakahuli sa akin,? kaso , hindi na nag reply ang mmda, he he. puede nating ipalagay na "may tama" siguro ako, or baka naman nagsisisi itong mga taga mmda kung bakit nag provide pa sila nung memo.