New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
Results 21 to 30 of 53
  1. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    92
    #21
    ako sa harrison i usually give P5 kasi kwela naman ung parking boys dun eh, talagang inaasist nila pati ung pagtaas at pagtangal mo ng susi inaaction nila..
    kaya i give them, pero ung mga street children i dont give them khit 25c kasi baka ipang rugby lng nila eh

  2. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,601
    #22
    May thread nang ganito. But to answer, I try to give when I visit the place often. Kumbaga insurance na rin kahit paano. Minsan lakihan ko pag good mood o kaya marunong sila makibiro pag kinakausap nila ako.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    457
    #23
    Pag masipag, I give a bit, pag yung biglang appear lang when I'm leaving the parking space, then no.

    How about yung mga nakatayo sa mga small roads or crossing ng riles feeling toll gate collectors? I never give anything to these.

  4. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    276
    #24
    yung mga nagbabantay binibigyan ko basta nandun nung nagpark ako. Pero mga bata na namumulibi, di na yan binibigyan. Pag nagbebenta ng sampaguita, siempre bili ako or bigyan ko ng food pag meron sa loob ng kotse ko.

    OT pero,
    may isang lolo sa may Gilmore parating nandun namumulubi, binibigyan ko parati ng food tuwing nakikita ko. If you pass by there often, bigyan niyo ng food he really appreciates it.

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #25
    supposed to be hindi dapat kaya sila dumadami eh. but since they could do worst behind our back no choice kundi magbigay lalo kung medyo madalas ako sa lugar na yun. pero kung tanaw ko naman at sandali lang.
    sorry na lang sila.

  6. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,152
    #26
    minan no choice but to give lalo na kung hinanapan ka nila nga parking...

    ot: nakakainis yung nagsasaboy ng tubig na may detergent tapos kunwari lilinisin ang salamin... nakakainis yun, lalong dudumi sasakyan...

  7. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    728
    #27
    for the parking: i just park, pag may lumapit edi wala ka na magagawa, basta sinasabihan ko lang na bantayan dahil sisilip ako paminsan, pag wala sha dun di ko sha bibigyan. bigyan nyo na lang mga chong, nakaka-awa yung mga yun, kaya nga nagtitiis mag-antay ng mga magpa-park eh (lalo na pag hahanapan ka pa nila ng space)

    at saka may kaibigan ako na ayaw magbayad sa parkimng boy, sinabihan nya na wala namang karatulang pay parking. pagbalik nya may bengkong na yung fender nya. scary.

    for the tapon tubig+sabon sa windshield: pag palapit na bubusinahan ko ng malufet (the airhorn works), yung nakakagulat talaga tapos sabay senyas na hoy di ako jeep (yung ibang jeep kase walang wiper, kaya kelangan nila ng hugas windshield boys)

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #28
    Quote Originally Posted by Supierreman View Post
    ang nakakabwiset dyan yung mga bata na parking boys..imbes na makaatras ka ng maayos sila pa yung nakharang sa likod ng kotse tapos kaway kaway pa sigaw tapos sumisigaw "sige atras atras pa"

    anak ng teteng pano ka makakaatras nun eh ogags pala yun nakaharang sya.
    dyan din ako bad trip :mad: ginagawa ko... ni-re-rev ko makina ko ng malakas para malaman nila na asar ako... o kaya, pinipinahan ko..yung biglang atras sabay preno... umaalis din naman.
    pero pag mga mama na... tinatakasan ko na lang, maliban na lang kung talgang nakatulong...bigyan ko 5-10 petot...ayos na yun. minsan pag ala barya 2 petot sabay takbo

  9. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,049
    #29
    Depende...

    1. Kapag may edad na tapos maayos ang suot/bantay talaga, 10.00.
    2. Kapag may edad na pero hindi gaanong matulungin, 5.00.
    3. Kapag bata na maayos ang suot/bantay talaga, 5.00.
    4. Kapag bata na gusgusin/parang nadaan lang, tinapay.

  10. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    92
    #30
    ako gngwa ko dun sa nglalagay ng sabon sa salamin, binibilisan ko ung wiper ko para hnd nila mapunasan.,pero minsan meron talagang makulit eh, dun nglalagay sa hnd dinadaanan ng wiper eh lumalabas lang naman kasi ung mga sabon pagnaulan eh.,

Page 3 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
anu ginagawa nyo sa mga katok parking boys?