New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 34
  1. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    52
    #1
    nabangga kami ng tricycle and pagdating sa presinto inamin naman ng tricycle driver na kasalanan nya sa written statement pero ang problema nung time ng accident d nya dala license nya at walang dalang rehistro sa sasakyan nya. pero nung nasa presinto na dumating mga kamaganak nya dala ang rehistro at ung license nya at hayon hinayaan ng makaalis ung nakabangga. bale ang nangyari hindi inimpound ung tricycle nila at nung kinocontact na namin sila after ng accident para singilin sila pa ang galit at nagmamataas sinasabi nila na hindi nila babayaran ang damage ng sasakyan namin. ano pong laban namin sir? patulong naman

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #2
    demanda mo, malaki laban mo dyan kung inamin nya sa police report na kasalanan nya. meron ka ba copy ng police report? kung meron kang insurance singilin mo na lang sa insurance tapos submit mo yung police report sa insurance at bahala na yung insurance na magdemanda sa kanila (iwan ka ng certified/notarized true copy for your files). kung wala ka insurance e demandahan na lang ang habol mo.

    yun lang nga baka mas malaki pa magastos mo sa lawyer kesa dun sa damage sa car. sakit pa ng ulo yan, gagawin lang ng defense e laging postpone ang hearing inis talo ka lang.

    ako nung nabangga ng tricycle car ko pinasa ko na lang sa insurance after makakuha ako ng police report saka promissory note dun sa mayari ng tricycle. ako lang nga nagbayad ng participation (P3000), ang binayad sa akin nung nakabangga kapalit nung 3k e isang lumang nokia 3210 na pinamigay ko din sa maid namin ehehehehehe!

  3. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    3,177
    #3
    Kung kuripot ka, wala. Collect ka sa insurance. Ganyan talaga d2.

    Kung willing u, bayaran mo pulis para hulihin sya reckless imprudence leading to property damage.

  4. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,152
    #4
    para less hassle charge it to insurance if you have one ang problema e kung ala...

    you could squeeze the tricycle driver and let him pay you, pero maawa ka lang siguro sa kanya habang sinisingil mo, amicable settlement nalang siguro, like let him do something that he volunteers to give, then let him signed on b/w

  5. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    354
    #5
    ibig sabihin niyan malakas kamag-anak niya sa Police ( saan ba ito ). dapat driving without license kaso na yan at malaki multa lalo na involve pa sa accident. Dapat sa harap pa lang ng mga police nagpagawa ka na ng kasulatan na dapat bayaran niya damage kung magkano at kailan.

  6. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    34
    #6
    mahirap yan kasi trike driver..oo may laban ka pero maliit ang chance na magbayad yan dahil sa kinikita niya kulang pa para sa family niyan..malaki ba bangga?kung hindi naman masyadong grabe,try mo magclaim sa insurance tulad ng sabi nila, pero kung wala,personal expense mo na yan..next time extra ingat nalang po sir.kasi kahit na pilitn mo magbayad yan kung wala siya mabibigay wala ka magagawa sasakit lang ulo mo.

  7. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #7
    yun insurance ba puwede habulin yun tricycle driver based on written report? if so, d para nakaganti ka na din

  8. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    4,866
    #8
    nung time ng accident d nya dala license nya at walang dalang rehistro sa sasakyan nya
    ayan! details that will help you nail that bastid.

    bawal magdrive without a license, and without registration ng papers.

  9. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    155
    #9
    Kse yang mga tricycle drivers na yan kala mo mga langaw, ang yayabang mag-drive kala mo kanila ang daan. Pag nabangga ka, ikaw pa mapeperwisyo, habang cla nagkakamot ng ulo at puro sorry ang sinasabi. Sarap batukan!

  10. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    52
    #10
    actually hindi naman sya talga tricycle driver hiniram nya lang daw ung tricycle saglit at may binili lang sya. pero napakayabang nung nakabangga anak daw sya ni vice, ung vice na sinasabi nya vice president ng subdivision namin, bwisit nga eh pag nakikita namin tatawa tawa lang napakayabang

Page 1 of 4 1234 LastLast
anong laban ko.