New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 32

Hybrid View

  1. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    237
    #1
    nangyari lang kanina 1:30pm sa may tapat ng isuzu un ave. galing ako sa honda kasi may pinagawa ako. nung maguuturn na ko sa tapat ng isuzu alam kong yung dalawang motor sa likod ay hindi na ko pagbibigyan kaya huminto na ko (galing ako sa 2nd lane para malaki kabig ko sa kabila). tapos nung dumaan na yung motor sa harap ko biglang huminto ng malakas, habang yung nsa likod dirediretso lang hangang sumapol sa kaharap nyang motor, ayun subsob sya sa sahig pati yung pasahero nya. tapos ako naman sabi ko manong ok lang kayo? bigla sumama yung tiningin sa akin hangang sa pagtayo nya ikaw kasi e! bawal maguturn dyan e! sabi ko, ha? wala naman sign ah. tapos sabi nya hindi ka pa nakasignal light! (pero nakasignal light talaga ako nun, natahimik sya nung nakita yun). kinuha na yung plate number ko tapos sabi ipapapulis report daw, sabi ko naman sa sarili ko, ha? ano ginawa ko? d naman siya tumama sa kotse ko. tapos sabi na lang nung drayber na bayaran ko na lang daw first aid nya kasi may gasgas sa braso. binigyan ko ng 100, bigla ba naman sinabing wsssshhh!! nabadtrip na talaga ako nun kasi ano ba talaga ginawa ko?? sabi niya 200 kasi may nasira daw sa motor nya (ano pakialam ko sa pathetic mong pormadong motor???) so fine, inabot ko yung 200 tinangihan pa rin. naguluhan na talaga ako that point. tapos sabi pumunta daw kami ng police station para gumawa ng report sinabi ko boss d ako pwede coding ako. tapos sa hangang nagmamadali na talaga ako sinabi ko na lang na ano manong aalis na ko may pupuntahan pa ko. tapos umalis na ko.

    tama ba ginawa ko na umalis kaagad? wala naman talaga ako kasalanan dba? yung dalawang mokong na motor lang yung nagbanggaan tapos sa akin sinise.
    sobra badtrip ako nun. nsa tamang lugar ako, nakasignal light na. if ever na ituloy nyang ipapulis report yun ano gagawin ko? thanks po...

  2. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    1,017
    #2
    eto para saken opinion lang bosing. wala kang kasalanan kasi kahit huminto ka sa 2nd lane e dapat nagpay attention sya sa road and dapat nakita kang nakahinto. but may mali ka din kasi 2nd lane ka galing e dapat diba nasa pinaka left lane ka kung mag UU turn ka? kung magpapulis report sya, sya pa rin ang talo kasi nasa likod sya e dapat ginamit nya yung brakes nya. kung ako ang hihingan ng pera nung nakamotor malamang mumurahin ko pa yung nahulog dahil hindi sya aware sa surroundings nya. tama na umalis ka agad kasi wala ka ng pakielam sa kanya kung naaksidente ka dahil sa pagday dreaming nya.
    pero teka bat huminto yung unang motor ( nasa tabi mo?) kung sumalpok yung isang motor sa likod nung isang motor e wala kang kasalanan talaga...

  3. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    237
    #3
    hi. thanks sa mabilis na reply :D
    actually halos nasa gitna na ako ng lane pauturn nung makita ko yung dalawang motor. may space pa sila dumaan in case na d nga sila mamimigay (kasya pa dumaan ang isang picanto) nung nakita ko na sila (nasa bandang honda area pa sila nun) huminto na ko kasi alam kong d na ko pagbibigyan. tapos bigla prumeno ng malakas yung unang motor then yung sa likod nya dirediretso lang hangang tumama siya sa kaharap nyang motor. ganun talaga ako maguturn sa area na yun kasi blind spot yun. pababa yung bridge sa kabila kaya dapat mabilis na diskarte dun.
    wala tama kotse ko kahit scratch. and fyi, WALA SIYANG HELMET. ang lakas ng loob nya na pumunta ng police station tapos pareho pa silang helmet...

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    665
    #4
    bossing mali yatang binigyan mo ng pera, kung ako yun e uupakan ko pa siya sabihin ba namang kasalanan mo e sya yung tat*nga t*nga sa daan.

    naninindak lang yun gustong mamera.

  5. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    1,017
    #5
    gusto ko rin sanang sabihin yung tatang* tang* e baka maban ako kasi di ko alam kung allowed dito yun o hindi e... pero tama yun dapat di mo binigyan ng pera kasi maganda oto mo kaya ka kinotongan... kung saken nangyari yun tadtad ng mura yung drayber na yun saken. kahit pumunta pa ang pulis e kung wala silang helmet mas yari sila buti na lang walang nangyari sayo.. dapat ang hiningan nya ng pera e yung motor na bumangga sa kanya kahit na nalaglag yung drayber kasi sya ang bumangga e.

  6. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    237
    #6
    hmm.. tama pala ginawa ko.hehe halo halo na kasi mga nasa isip ko kanina. pero alam kong positive ako na talagang wala akong mali sa ginawa ko. tsaka nagmalakas loob ako na kunin nila plate number ko, pulis report na nya, etc etc, kasi alam kong wala talaga akong ginawa... pagdating ko nga sa school ko tinawagan ko kaagad daddy ko, kinuwento ko lahat tapos sabi na lang nya, sige papulis report nila tingnan natin sino pagtatawanan ng mga pulis.hehe

  7. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #7
    sa palagay ko tama naman ginawa mo, nag-show ka naman ng concern. naalog lang siguro yun utak noon mama sa pagkasubsob kasi masakit din yun. baligtarin mo pa ang pangyayari at ikaw ang nasa motor, initial reaction mo magagalit ka din.

  8. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    237
    #8
    sabagay oldblue:D kung ako nga nagmamaneho ng motor tapos sinisi ko yung nasa kotse na walang ginagwa malamang pinagmumura na rin ako nun... hehehehehe

  9. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    258
    #9
    teka... nag-U-turn ka galing sa second lane (2nd lane after ng island sa gitna ng kalsada)? hindi ba sa ginawa mo, na-disregard mo yung mga sasakyan sa likod mo, kotse man o motor? diba dapat pag-U-turn ka dun ka dapat sa leftmost lane para di naman maguluhan yung ibang sasakyan sa paligid mo (lalo na kung hindi madalas dumaan sa kalsadang yun ang mga sasakyan sa paligid mo)?!


    naalala ko kasi nangyari sa 'kin biglang pumasok yung jeepney na mag-u-U-turn (sana) galing sa 2nd lane (nasa kanan sya), e nasa fast lane ako or yung leftmost lane. kaya ayun, tumama fender ko sa fender nya. binaba ko sya sabay tingin ako ng masama. wala nangyari, kamot lang sya ng ulo sabay sorry. di ko na kinulit, wala rin naman ibabayad sa 'kin yun, at konti lang naman damage. umalis na lang ako.

  10. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    2,019
    #10
    ang angas naman nung rider ng motorsiklo.. gusto ka lang ata perahin sa ginawa nyang kat*ngahan eh... hay nakoh. mga tao talaga psaway...

Page 1 of 4 1234 LastLast
2 motor nagbangaan! subsob ang drayber at pasahero! drayber ng kotse biglang sinisi!!