nangyari lang kanina 1:30pm sa may tapat ng isuzu un ave. galing ako sa honda kasi may pinagawa ako. nung maguuturn na ko sa tapat ng isuzu alam kong yung dalawang motor sa likod ay hindi na ko pagbibigyan kaya huminto na ko (galing ako sa 2nd lane para malaki kabig ko sa kabila). tapos nung dumaan na yung motor sa harap ko biglang huminto ng malakas, habang yung nsa likod dirediretso lang hangang sumapol sa kaharap nyang motor, ayun subsob sya sa sahig pati yung pasahero nya. tapos ako naman sabi ko manong ok lang kayo? bigla sumama yung tiningin sa akin hangang sa pagtayo nya ikaw kasi e! bawal maguturn dyan e! sabi ko, ha? wala naman sign ah. tapos sabi nya hindi ka pa nakasignal light! (pero nakasignal light talaga ako nun, natahimik sya nung nakita yun). kinuha na yung plate number ko tapos sabi ipapapulis report daw, sabi ko naman sa sarili ko, ha? ano ginawa ko? d naman siya tumama sa kotse ko. tapos sabi na lang nung drayber na bayaran ko na lang daw first aid nya kasi may gasgas sa braso. binigyan ko ng 100, bigla ba naman sinabing wsssshhh!! nabadtrip na talaga ako nun kasi ano ba talaga ginawa ko?? sabi niya 200 kasi may nasira daw sa motor nya (ano pakialam ko sa pathetic mong pormadong motor???) so fine, inabot ko yung 200 tinangihan pa rin. naguluhan na talaga ako that point. tapos sabi pumunta daw kami ng police station para gumawa ng report sinabi ko boss d ako pwede coding ako. tapos sa hangang nagmamadali na talaga ako sinabi ko na lang na ano manong aalis na ko may pupuntahan pa ko. tapos umalis na ko.

tama ba ginawa ko na umalis kaagad? wala naman talaga ako kasalanan dba? yung dalawang mokong na motor lang yung nagbanggaan tapos sa akin sinise.
sobra badtrip ako nun. nsa tamang lugar ako, nakasignal light na. if ever na ituloy nyang ipapulis report yun ano gagawin ko? thanks po...