At habang nag pa-practice ka, laging tandaan ang mga ito:
1. ang left lane para sa pag overtake at mabibilis na sasakyan
2. Lagi mong papansinin ang side at rearview mirrors mo. Kapag nakita mo na maraming sasakyan na naka buntot sayo, hindi ibig sabihin nun nagagandahan sila sa sasakyan mo. Ang ibig sabihin nun, masyado kang mabagal at dapat mag bigay ka.
3. Manatili sa lane mo at wag kang gigitna ng dalawang lane (road hog)
4. Ang hazard light ay pang emergency lamang, hindi ginagamit kapag umuulan.