New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 43
  1. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #1
    mga sir, advice naman. first time ko kasi mainvolve sa ganito and almost 1 year pa lang ako drive.

    while driving last night biglang nag-stop yung truck ahead of me so nag sudden break din ako. ingay nga nung gulong ko talagang sumadsad. around 60kph yata takbo namin. luckily di ko naman sya inabot. kaya lang yung L300 FB na sumusunod sa akin di yata kumagat agad yung break ayun sapol likod ko. buti hindi natumbok, right side lang.

    eto ngayun, after lahat lahat na, investigation, police report etc... insurance na raw nila bahala sa damaged. paano ko ba dapat i-handle to? sabi nga nung pulis mabuti pa kung tao tao lang. pag insurance baka abutin daw siyam-siyam. kaso no choice insurance talaga mag-aayos. help naman what to do? ano ba yung mga dapat kung gawin para mapabilis? sabi lang nung pulis bahala na kami mag-usap nung nakabangga. pag walang nangyari balik daw ako to file a case...

    comments naman po...

    thanks!!!

    upload ko pix later...

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    Dapat magkasundo kayo ng kabilang party na insurance nila magbabayad since they rear-ended you. Yun, eh kung may insurance sila. Kung wala, dapat bayaran nila damages mo ng out of pocket.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  3. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #3
    yun na nga sir ang usapan kagabi, insurance nila magpapagawa. di lang daw dala yung insurance policy. kaya meet kami mamaya para dalhin nya yun. paano ba yun? kung sakali man na may dala syang insurance policy maghihintay ba ako na kontakin ako nung insurance nila o ako na maunang tumawag? di ko pa rin daw pwede ipagalaw yung kotse hanggat di nakikita nung insurance company nila. eh baka isang buwan na di pa tinitingnan....

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #4
    Hindi naman aabot ng isang buwan iyan. Pero hindi din ganun kabilis. Example lang, nabangga yung Starex dito last September 2. Yung insruance na mismo ng Starex ang ipapangpaayos. Kahapon nagpunta ko sa Ssangyong Quezon Ave. to check the progress of the work. Lo and behold, wala pa ding nasisimulan. Hindi daw magkasundo ang insurance at repair shop kasi masyado ata mababa ang gustong ilabas na pera ng insurance. Pero natignan na ng adjuster yung sasakyan (3x na ata). Hindi lang talaga sila magkasundo.

    Baka next Tuesday pa masimulan ang trabaho. That's already 17 days na naka-tambak sa talyer yung Starex. Tapos mga 10 working days pa daw ang gawaan. Kung hindi lang malaki sira, out-of-pocket na lang ipapagawa yung unit.

    Mag-usap nga muna kayo ng kabilang party. Kung maayos naman silang kausap at maayos din ang insurance company nila, hindi naman masyadong matagal. May police report naman na kayo, pwede ka mag-file ng case kung tinakbuhan ka.
    Last edited by OTEP; September 14th, 2006 at 10:12 AM.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  5. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #5
    L300FB na naman

  6. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #6
    Pwede din naman na gamitin mo yung insurance mo para mas mabilis. just ask the other party to pay for the participation. tapos both insurance na lang ang mag-uusap.
    Just make sure that you ask them to sign in the insurance claim/report. Don't forget to get a photocopy of the driver's license, latest OR/CR...just in case takbuhan ka.
    Malamang kasi na tumagal ang pag ayos ng kotse mo kung insurance nila.

  7. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #7
    ganun po ba, thanks....by the way ako ba pipili ng pagpapagawaan? pwede ko kaya ipasok sa casa? kasi parang lumalabas binabarat nung insurance eh...

  8. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #8
    kaso sir walang insurance kotse ko....i bought it 2nd hand eh. 1994 model pa..

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #9
    I-check mo sa insurance kung ano ang accredited shops nila. Hindi lang naman iisa iyan, mamili ka na lang. Ano ba ang sasakyan mo? Kung i-cash settlement mo kasi minsan mas mababa. Yun nga lang pwede ka mamili ng talyer kahit yung hindi accreditted.

    Pwede mo nang dalhin sa totoong crash repair facility (hindi sa casa). Madaming recommended paint and body shops ang Tsikoteers. Sa More than Looks section siguro. Casa is not really the best choice pero acceptable na din naman minsan ang trabaho.

    Yung unang bangga ng Starex (sumabit sa tricycle), sa casa ng Hyundai ginawa. Ang panget ng resulta. Nung sumunod na masabit, dinala ko na lang sa not-so branded na shop ng kakilala ko, mas maganda pa resulta kasi binantayan. Mas mura pa singil. hehehe. Yun nga lang nabangga ulit (dun pa sa bagong gawang section nabangga!).

    kaso sir walang insurance kotse ko....i bought it 2nd hand eh. 1994 model pa..
    Kung insurance naman nila magsesettle, hindi mo na kailangan ng insurance sa part mo. Sila na sasagot ng repairs diba?

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  10. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #10
    1994 accord sir,...

Page 1 of 5 12345 LastLast
HELP!!! nabangga kotse ko!!! what to do???