Would ford possisibly fit the wildtrak engine on Everest? Same as Chevy did on trailblazer and Colorado?
San ba nakakabili ng mud guard para sa likod ng Everest? nadudumihan kase kagad...
*Beni, sir, ilang taon na si Eve mo, bakit may kalawang? dapat pala iche check din yan palagi, hindi kasi ako ma alam talaga sa sasakyan.
*Brennt, sir, yan din problem namin ngayon, nadudumihan si everest pag naulan, kasi walang mud guard sa likod.
*Noel, hello sir, may mudguard na ba si Eve mo sa likod sir, saan ka nagpakabit?
sa mga bagong owner ng Ford Eve 2013, may mudguard na ba sa inyo? Help please..
Grabe putik na tumatalsik sa body niya kahapon kasi maulan, kawawa naman si Eve![]()
Going 3 years na siya this July kaya hinabol ko sa warranty.
Meron kay Auto intensity Banawe. 600 per pair ang bigay saken. Pero nung nagpunta ako dun last month wala sila stock. Sabihin niyo na lang nirefer kayo ni Beni ng Team Ford Everest para 600 lang din bigay sainyo or malapit sa presyo na yun. Hehe.
Snow, sa Banawe din plano ko pag luwas this month, napilitan na kasi dahil tag ulan na talaga. Another options ko sa Winterpine, o Evangelista.
Pag wala either na magmodified ma lang w/c is sa Evangelista pa rin pero walang drilling sa bakal, plastic pwede pa.
Beni, may mairerecomend ka rin bang mabibilhan ng mga accessories kagaya ng side visor, roof rack...
Here, Noel. Baka sakali meron ng mga kailangan mo Ford Everest accessories Ford Fiesta & Ford Cars / Suv's Accessories Philippines - 10520836
* Beni, thank you sir, kaso ang layo ng Banawe sa akin, sobrang mura pala diyan, yan din ba yung naka fit talaga sa likod, hindi lang basta flap? Ganun yung akin.
*Noel, sir napakabitan ko na ng rear mudguard si Everest ko kahapon, nagpunta ako sa Autodresscode, sa may santolan pasig, yun ang malapit kasi sa akin, yun lang mahal, 2,200 (2 pairs siya harap at likod unfortunately, hindi niya kasukat yung sa unahan, kaya ni retain ko na lang yung sa unahan na kinabit ng mismong casa ng ford upon buying). Yung sa likod lang ang nag fit, naka fit siya talaga sa likod, yun bang naka kabit, hindi lang flap na nakikita ko sa ibang sasakyan.
Tapos yung rain gutter sa windows, 1,900 yung 4.
Nagtanong ako diyan sa binigay ni sir Larry, si edsanti, kaso medyo namahalan ako sa kanya 3,500 ang mudguard sa kanya ng eve natin. Tapos taga Balintawak, eh ang layo din sa akin, kaya hindi na ako nag tuloy ng kuha sa kanya.
kung malapit lang ako sa Banawe, naku doon ako papakabit, biruin mo yung 600 sa 2,200. laking difference, sayang. Hay..
next project ko for Eve, entertainment center 27k, tapos yung mga tail light cover, dagdag porma lang haha, pero ipon ipon muna mga december na siguro, wala na akong pera![]()
Nga pala mga sir, regarding sa warranty record, sinusunod ninyo ba yung recommended na maintenance ng Casa?
Diba kasi ang recommended ng casa 1,000 kms. or 1st month, then 5,000 kms. or 3 mos. which ever comes first daw.
eh sa case ko, yung 5,000 kms. baka hanggang next year pa yun, hahahaha, kasi every sunday lang namin nagagamit si eve. Parang dehado naman kami, kung every 3 mos. ipapa change oil.
ano sa tingin ninyo mga sir? Kms. ba kayo o months ang sinusunod?
Thanks mga sir tsup tsup mwahmwah.
guys, sinusunod nyo ba yung tire PSI rating na naka lagay sa door jamb ng eve nyo?
since na kuha ko sa casa yung eve ko nung end of april, ngayon lang ako nag check ng tire PSI, at sobra sobra sya sa recommended rating, nasa 51 PSI lahat ng gulong, samantala ang recommended is 46 sa likod and 33 sa harap ng 18's kapag full load.
and yes, i checked my tire PSI in the morning and the tires aren't hot.