baka may mga tinatago kayong secret recipe/s dyan baka pwede nyo namang i-share..
ako mahilig talaga ako kumain kaya pag may natikman ako na ok sa panlasa ko inaalam ko kung ano ingredients and paano lutuin.. lalo na kung pang-pulutan...
eto share ko:
mixture na gamit ko pang-marinate o pang-barbecue, may nagturo lang din sakin..
ingredients:
1 cup fish sauce (patis)
1 bottle banana ketchup (mas prefer ko UFC) kung gusto nyo may konting kick e yung hot n' spicy ang bilhin nyo.
1 lemon
2 tablespoon cooking oil
2-3 tablespoon sugar
1 clove garlic and onion (optional) kapag wala ok lang pero mas masarap syempre kung meron.
instructions:
paghalu-haluin lang lahat then lagay na yung chicken or pork. btw, good for 2 whole chix or 2 kgs of pork na yan. mas ok kung overnight siya naka-marinate. tapos yon ihaw na!
so far lahat ng nakatikim napa-yummy naman sila and nagtanong kung sino or paano ginawa...
Beef Tapa:
1 kg beef (yung pang tapa syempre)
1 bottle maggi/knorr seasoning
sugar (to taste)
half clove garlic (minced)
same procedure sa pang-barbecue, paghaluin lang. mas matagal na pagbabad mas masarap.



Reply With Quote
