had that kind of a relationship back in college. first few months to a year, it's so painful at nakaka-miss. more than 2 years of that, pikang-pika na ako sa mga na-eencounter ko sa daan pag ginagabi ako umuuwi. yun tipong tulog na lahat, nasa daan pa din ako. how I hated that so much!
pero hindi yun "distance" na yun ang naging dahilan ng break-up. she went to Europe for 3 months with our university's choir, mga "songer" kasi eh hehehe
pagbalik nya hindi ko na sinundo sa airport at sobrang nagdahilan ako na kesyo na hindi ko nakuha message, sobrang busy sa work and all those alibis.
she called me one day again and threatened me for a break-up kapag hindi ako pumunta sa kanila. and so ayun na naman, pumunta na naman ako sa long distance na bahay nila hehehe. pagdating ko dun, galit sya umiiyak hindi na ko gano kinausap at tinalikuran na ko. tapos lumabas kuya niya na tinatakot ako na bumalik na lang daw ako dun pag ready na ako sa relationship namin, tapos bahagya pa ako tinulak palabas ng gate.
sabi ko sa kuya in a sad face: "bakit ganito nangyari samin? sige kuya babalik na ako pag-ready na ko". at kunwari nakayuko na lang ako pasakay ng tsikot. pagsakay ko sa tsikot, I had this sad face, looked into the mirror, then smiled, and shouted "yahoo!" and I was punching the wheel, the dash ! hehehe and that was the happiest late night travel pauwi sa bahay from their house of them all!
2 weeks later, tinawagan niya ako. bakit daw hindi man lang ako tumatawag. sabi ko as usual busy sa work. then galit na galit sya at inamin nya na nagka-relasyun daw sya sa isang choir member sa 3 month stay nila sa Europe. natigilan ako at sabi ko medyo sumama pakiramdam ko, I'll call you back sabi ko. 2 weeks hindi pa din ako call back, and she called, sabi nya magpapakasal na daw siya. a year later, nagpakasal nga.
labo nun pina-guilty pa ko ng husto eh sya din pala natukso while far far away ... niweys, i had the feeling na naman talaga even before sa school pa eh, may tinutukso na sa kanya habang nagkakantahan sila. d ko lang ma-pinpoint kung sino.