Hmmm... can't honestly say na "mahirap" ako ngayon... and since I was born in the US, medyo well-off naman ako kumpara sa mga ibang pinoy...
But:
-My Mom used to be poor. Only finished College thanks to numerous scholarships (some academic, some due to our family's status).
-First house was a tiny apartment in NY. Both parents had to work just to make ends meet. Life in the US is hard... but at least the basic services are much better over there. Moved to the Philippines and slept with the cockroaches for a few years in Manila before we moved south.
-Used to bathe at the poso. Swam in dirty ponds with tadpoles and wrigglers. Played in the rain. Didn't feel rich then.
-Thanks to family connections and my grandfather's business, was able to attend a good school. I know, my tuition fee was probably double most people's in grade school, but I rode in the business service wtih the kanin-baboy, walked or commuted. Never felt priveleged then because all the other kids had nice cars and shiny toys. They got to go bar-hopping, concert-watcing and gimmicking all the time. Had to save up for a long time to simply afford a movie... and sometimes I would have to walk partway home because I didn't have enough money to eat and commute at the same time.
-It was in UP that I realized how lucky I was to be given the opportunities I was given as a kid... but I never really got on with the "sosy" set who came from the same kind of school as me... our off-hours were spent eating at the carinderia and scrounging in our pockets for enough change to buy a Coke Litro. Still walked or took the jeep. Never really occurred to people how much money my family had until we had trouble at school and I had a bodyguard and driver escort me every day for a year.
-Rich boy? You got it. Spoiled? Half-and-half. But at least I got to experience life from both sides of the coin...
Ang pagbalik ng comeback...
Ang biro-an namin sa school dati 'economically challenged'
kami kasi exclusive school eh. Sa Don Bosco noon araw puede
yon IOU-promissory note sa mga pari. Susulat lang parents mo
kung walang pera enrolled ka na.
Yon 70' to 80's ata pinaka mahirap para sa lahat.
Masuwerte lang kami kasi libre pagkain namin bigas, karne, gulay,
binabyahe pa mula bikol. Magsasaka mga lahi ko, nagbibilad ako ng
palay, bantay ng cow,pig,duck,rabbits. Hangang ngayon alam
ko magluto ng palay sa araw. Lahat ng pagkain namin libre,
walang de lata,
Ang tuyo at daing libre lang, hini hingi lang ng tatay ko sa mga classmate
nya sa pantalan. Pag nasa manila sila naman libre sila sa amin.
Late 80's early 90's ko naranasan hirap,
yon mga panahon ng landreform, npa at coup.
Nawala lahat ,nagdrive ako taxi at truck, basta me bayad payag
ako, pati poste ina akyat ko. Nag construction din ako sa NAIA
RUNWAY 624 ata at ang ulam namin hinuhuli sa drains nga runway
puro dalag at hito.
Hindi na rin ako kumukuha ng assistant
para wala na ako kahati sa bayad. Magde deliver ako ng isang
truck na paninda sa Ilocos pag dating ko doon ako rin mag-isa magba
baba. Natutulog ako sa plaza ng VIGAN walang tao, hihiga lang ako
doon. Aba ng bumalik ako recently me jollibee na sa tapat ng tinu
tulugan ko sa VIGAN ang dami tao at maliwanag pa. Sa mga
beach ako madalas matulog kasi sayang yon 150pesos na
bayad sa hotel. 18 pesos lang ata loaf ng tasty bread noon.
Natutulog ako sa Athletic bowl sa bagiuo sa ilalim ng truck ko
naglalatag lang ako ng karton.
Pati mga rally ako nag drive sa mga rallyist, binabayaran ko
ng 150 para sumama, yon 50 kickback ko kada ulo.
Yon engot 80 lang bayad ko. Yon mga bata pinapasyal ko
lang at meryenda ayos na sila doon.
Pati ghost promo ng mga sabon sali rin ako.
Yon mga ipapamigay na sabon na sample dinadala namin
sa Conception Marikina, doon namin binabagsak.
Me maikling panahon din na bandido ako para malaman
lang kung ano ba yon.
Pero yon yon panahon na buhay na buhay ako.
Hindi ako natu tulog, busing-busy.
Kung hindi ako busy ibig sabihin wala akong kakainin.
OT pero relevant:
dati ang laging bukambibig natin "ang hirap maging mahirap" kasi hindi alam paano mabubuhay ng konting pera o minsan wala...
pero ngayon naman ang maririnig mo sa paligid "ang hirap maging mayaman" kasi hindi alam kung saan galing kayamanan nila, paging BIR - paki-lifestyle check naman ibang government officials w/ unexplained wealth , hehehe
When i was young I can say my family is somewhere in the middle.. Living within our means, wala gaano luho pero masaya. When i was on grade 3 my dad started work abroad, then naranasan namin na umangat ng konti ang kabuhayan. Before problem ang tuition kasi 3 kaming magkakapatid na nag aaral sa private school and my mom is a housewife. I can say wala yan sa laki ng kita kung hindi mo alam ang value ng pera, kung hindi mo alam hawakan. I can give my mom a credit for that, magaling mag ipon, mag budget kaya nakita ko yung pag angat ng kabuhayan namin. Nakapagtapos kami ng pag aaral, may mga naipundar na properties at sasakyan.
I can say mas masarap na lumaki ka na hindi lahat nasayo na, mas madami ka matututunan hindi lang sa paghawak ng pera kundi sa lahat ng bagay at aspeto.
OT pero relevant din
I've heard and andami ko alam na kwento yung tipong mga success story? from rags to riches? Nung time ng parents/grandparents natin. Bakit kaya ngayon parang ang hirap ng gawin yung nagawa nila? Is it because of the stiff competition? mas madami ng tao ngayon? mas marami ka ng dapat alamin at matutunan?..
Those "rags to riches" stories are often one-in-a-million chances that paid off because they took the opportunity and ran with it. They still happen nowadays, but they require that an opportunity still be available and that an untapped market exists for that person's idea or business... sa dami-dami nang "entrepreneurs" ngayon, bihira lang makahanap ka ng untapped market na puwedeng i-solo.
Ang pagbalik ng comeback...
ako ipinanganak na mahirap (labandera nanay ko noon at driver ng jeep sa cebu tatay ko)
hanggang ngayon mahirap padin..pero maski papano nakakapag Jollibee paminsan minsa.
Graduate ako ng Elementary sa public school 3 bahay mula sa mga granparents ko. Dating jeepney driver erpat ko sa Angeles City at nakapgpundar naman ng bahay sa pagsaSaudi niya ng 2 taon. Binenta niya yung jip at nagpundar nga maliit na carinderia at sarisari store. Lumaki rin kami na alang game-and-watch,voltesV, transformers robots, atari o nintendo family computer. Nakikilaro lang kami non. Posong mabigat pa pinagkukuhanan namin ng tubig non at 2 balde sabay binubuhat pauwi ng bahay, oks lang, lumaki naman mga braso at balikat namin, hehe. Bike lang, gitara at basketball kalaban mga factory worker ang libangan ko. Madalas din ako umuwi ng alang pamasahe non kaya 123 na lang. Mamahal kasi ng gamit sa Architecture, puro utang din ako tuloy sa mga kaklase. Dumating talaga ang oras nung mid 90s crisis na pati pagkain halos ala na, nagsara kasi carinderia namin at tindahan dahil mga pinapakain namin natanggal halos lahat sa trabaho. Pamasahe ko papasok galing sa pagbebenta ng mga basyo ng coke na naipon ni erpat, at siya, sa bahay na lang tambay. Rason bat madalas din magaway magulang ko non. Kapatid ko na sumunod sa akin ( panganay ako) pinadala sa mga grandparents ko. Sila at mga tita sa US and malaking tulong sa pagpapaaral sa amin. Draftsman ako nga mga prof ko noon, pero ok din ang kita kaya naaddict ako. Biro mo P2,500overnight work ok na. Minsan tumutulong sa mga nagti-thesis sa ibang school, kaya P5k/week non is easy. Although college undergrad pa rin ako sa MIT at ang sumunod sa akin dahil kailangan kumayod ala ng oras para makatulong sa magulang at 4 na kapatid.
Inggit na inggit ako sa mga kaklase ko naka kotse noon.Sabi ko sa gf ko non, ngayon misis ko, na darating ang oras magkakaroon din kami ng mga ganun galing sa sariling pawis, hindi mana o bigay nga magulang (no offense, fighting spirit lang yon) .
Mabait talaga ang Dyos. Basta wag mo lang Siya kalimutan, hindi ka rin Niya pababayaan. Masaya na rin ako na kahit hindi ako nakapagtapos, nakatulong naman ako matapos mga kapatid ko at may kanikaniyang magagandang buhay na sila ngayon.
this is a good thread ha. very inspiring. i like jimnyeatworld's story ha. and everyone else's too na nagstrive to get where they are now. good job you guys! and you deserve whatever you have now.
me, well ive never really considered my family to be poor. although siyempre noon bata ako meron mas mayaman samen na meron mas magandang laruan at sasakyan. nakakaingget minsan, pero i still love my toys. :D
theres this verbatim i read somewhere that i really like:
"ive been broke many times, but ive never been poor"
its all about in the mentality i guess.
keep posting inspiring stories guys! :D