New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 9 FirstFirst 1234567 ... LastLast
Results 21 to 30 of 88
  1. Join Date
    May 2011
    Posts
    1,218
    #21
    Quote Originally Posted by hein View Post
    Bakit mo pagbabawalan your wife going out with her family members?

    You are preventing them from enjoying their time together.

    That is the Soiurce of Friction.
    friday night umalis na kami kasama familyy niya... then saturday ng umaga inaaya nanaman siya umalis, e may naka set na siya lakad sa gabi(aalis siya sa gabi with friends).. kung wala siya lakad sa gabi okay lang sakin umalis sila ng umaga... syempre sabi ko aalis kana nga ng gabi aalis kapa ng umaga... and saturday yun gusto ko din naman minsan sa bahay lang muna kami.. gets bro? valid ba reason ko?..
    in-laws ko kasi parang sa mall na nakatira

  2. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    2,267
    #22
    Quote Originally Posted by 3GEMS View Post

    kausapin asawa tungkol jan.
    mukang ok naman sa iyo na lumabas siya wag lang maya't maya. dapat maintindihan niya yun.

    or lumabas kayong dalawa imbes na siya lang kasama ng mga kaibigan niya.

    yung with family niya, pilitin mo din sumama. isipin mo na lang pag dating ng panahon, ikaw naman ang magulang at cguro yayayain mo din anak mo na may asawa na.

  3. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    674
    #23
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    BB....pa-convert ka na kasi.
    Akshuli, noong una pinilit ako. Kasalanan ko din kasi eh. Officemate ko dati si Mrs. noong empleyado pa ako. Nadala sa sundot' hatid. :D

    I tried naman ng dalawang session. Kaso hindi ako talaga makapaniwala na si Manalo ay isang angel at tanging tagapagligtas. Backout na ako agad. Sabi ko sa kay Mrs. na hindi ko kaya so sabi niya sa akin na kausapin ko na lang tatay niya. INM fanatic erpat niya. Para patas ang laban sinama ko erpats ko para kausapin sila. Galit na galit si biyenan. Tanda ko pa ang sinabi. "Hindi pwede! Ayaw kong magkaroon ng manugang na demonyo! Dapat sumapi ka sa Iglesia para hindi maging demonyo ang apo ko! Basta't hindi Iglesia mga demonyo sila!". Naginit ulo ng tatay ko tuloy. Kaya ko sinama para may manok akong panlaban sa matanda. Matanda vs Matanda eh di patas ang laban. Sumabat si erpats, "Hindi ko yata gusto ang tabas ng dila mo ah. Eh paano yan hindi ako Iglesia, eh di demonyo ako?". Humirit pa si biyenan, "Oo. Nakasulat sa biblia. Lahat kayo demonyo! Kami lang ang hindi." Tumayo si Erpats akmang susuntukin na pero nakapagpigil. Kinuha na lang nung baso ng juice at hinagis na lang sa gilid ni biyenan sa inis sabay umalis. Si biyenan mukhang namutla sa takot. Hehehe. Inaya na ako umuwi at sinabing, "Tara na Boy at mapapatay ko lang itong matandang ermitanyo na ito!". So eto na ang madramang yugto na mala-Maricel Soriano Drama Special, tinanong ko si Mrs., "Ito na ang huling tungtong ko sa bahay niyo, hihintayin kita sa kanto sa may tindahan.".

    So alis na kami na ni Erpats at pinaandar na ang kotse(Galant Sigma pa nun). Nagpababa na lang ako sa kanto at sabi ko na susunod na lang ako. Bumili ako ng isang stick na Marlboro at Sarsi(.75c lang ang isang stick at 2.50 naman yung Sarsi. Nahalata tuloy idad ko). Nasa kahalati pa lang ako ng yosi eh nakita ko na si Mrs. na halos tumatakbo at humahagulgol. Samama na lang daw siya sa akin kaysa bumalik pa sa kanila. Mas masaya daw siya kapag kasama ako. Naks! Ayos! So isinama ko na siya sa amin. Pero bago muna kami umuwi. Pinadaan ko muna sa Gemini na taxi sa Sta Mesa para mahimasmasan siya ;). After a week, nagpakasal naman kami sa huwes sa Caloocan(Doon ang pinakamura eh at wala pa pera at that time). The rest is history. Happy pa din kami sa isa't isa hanggang ngayon.

  4. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #24
    Haha ayos ah pang-MMK.

    Simula nuon hindi mo na nakasundo mga magulang nya? At di na rin kayo naghaharap?

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #25
    :director:.......cut!

    eh di hiwalay kayo ng simabahan BB?

  6. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    850
    #26
    Quote Originally Posted by 3GEMS View Post
    syempre sabi ko aalis kana nga ng gabi aalis kapa ng umaga..
    Ayun, yan ang problema. When she transmitted your statement to the in-laws, medyo masama ang dating.
    Naturally, their reaction would be "What an A***", this guy".

    Next time, lessen the Sarcasm when dealing with the in-laws. SUPER SENSITIVE mga yan.

    Try mo lnstaed "Hon, I was looking forward to spending the day together sana...." So when your wife makes kwento to her family, it will come out Positive.

  7. Join Date
    May 2011
    Posts
    1,218
    #27
    Quote Originally Posted by fourtheboys96 View Post
    kausapin asawa tungkol jan.
    mukang ok naman sa iyo na lumabas siya wag lang maya't maya. dapat maintindihan niya yun.

    or lumabas kayong dalawa imbes na siya lang kasama ng mga kaibigan niya.

    yung with family niya, pilitin mo din sumama. isipin mo na lang pag dating ng panahon, ikaw naman ang magulang at cguro yayayain mo din anak mo na may asawa na.
    okay naman kami ng mga in-laws ko sobrang mababait sila pero syempre hindi perfect,, masaya sila kasama, ka bonding ayaw ko lang yung may naririnig ako sa asawa ko na ganun ganun,
    gusto ko din ng masayang pamilya, nag sisimula palang kami kaya malaki tulong din ito para maka reflect ako sa experience ng iba malaman ko ang malit at tama ko, drama na to

  8. Join Date
    May 2011
    Posts
    1,218
    #28
    Quote Originally Posted by hein View Post
    Ayun, yan ang problema. When she transmitted your statement to the in-laws, medyo masama ang dating.
    Naturally, their reaction would be "What an A***", this guy".

    Next time, lessen the Sarcasm when dealing with the in-laws. SUPER SENSITIVE mga yan.

    Try mo lnstaed "Hon, I was looking forward to spending the day together sana...." So when your wife makes kwento to her family, it will come out Positive.
    wow maraming salamat bro, nice advice bro may mali nga ako ,
    keep coming guys

  9. Join Date
    May 2011
    Posts
    1,218
    #29
    Quote Originally Posted by renzo_d10 View Post
    Haha ayos ah pang-MMK.

    Simula nuon hindi mo na nakasundo mga magulang nya? At di na rin kayo naghaharap?
    grabe nga parang MMK
    itinakwil ang anak dahil sa INM?

    baka naman mukhang si hellboy si BB? hehe

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #30
    sabayan mo din kaya ng layas? pag umalis siya e di umalis ka din, magbihis ka din at unahan mo pang bumaba. at mas late ka pa dumating. dumating ng lasing at amoy pabango ng babae. at pag tinanong ka saan ka galingg sabihin mo e naghahanap ka ng kapalit nya kasi lagi naman siya wala sa tabi mo. bigyan na ng ultimatum yan. sa tingin ko e hindi pa pumapasok sa isip ng asawa mo na misis na siya at hindi na miss lang. nasa sa kanya naman yan kung mas gusto nya nakadikit sa kapatid nya o sa iyo. tanungin mo kaya kung sakaling ikaw at kapatid nya e nasa danger kung sino sa inyo ang uunahin nya. huwag mo na antayin ang sagot, unahan mo na na alam mo na kung sino uunahin nya, kapatid nya. sabay layas.

    pabasa mo sa kanya ito ng matauhan yan.

Page 3 of 9 FirstFirst 1234567 ... LastLast

Tags for this Thread

Dealing with In-laws...!!!...