
Originally Posted by
Boy Bastos
Akshuli, noong una pinilit ako. Kasalanan ko din kasi eh. Officemate ko dati si Mrs. noong empleyado pa ako. Nadala sa sundot' hatid. :D
I tried naman ng dalawang session. Kaso hindi ako talaga makapaniwala na si Manalo ay isang angel at tanging tagapagligtas. Backout na ako agad. Sabi ko sa kay Mrs. na hindi ko kaya so sabi niya sa akin na kausapin ko na lang tatay niya. INM fanatic erpat niya. Para patas ang laban sinama ko erpats ko para kausapin sila. Galit na galit si biyenan. Tanda ko pa ang sinabi. "Hindi pwede! Ayaw kong magkaroon ng manugang na demonyo! Dapat sumapi ka sa Iglesia para hindi maging demonyo ang apo ko! Basta't hindi Iglesia mga demonyo sila!". Naginit ulo ng tatay ko tuloy. Kaya ko sinama para may manok akong panlaban sa matanda. Matanda vs Matanda eh di patas ang laban. Sumabat si erpats, "Hindi ko yata gusto ang tabas ng dila mo ah. Eh paano yan hindi ako Iglesia, eh di demonyo ako?". Humirit pa si biyenan, "Oo. Nakasulat sa biblia. Lahat kayo demonyo! Kami lang ang hindi." Tumayo si Erpats akmang susuntukin na pero nakapagpigil. Kinuha na lang nung baso ng juice at hinagis na lang sa gilid ni biyenan sa inis sabay umalis. Si biyenan mukhang namutla sa takot. Hehehe. Inaya na ako umuwi at sinabing, "Tara na Boy at mapapatay ko lang itong matandang ermitanyo na ito!". So eto na ang madramang yugto na mala-Maricel Soriano Drama Special, tinanong ko si Mrs., "Ito na ang huling tungtong ko sa bahay niyo, hihintayin kita sa kanto sa may tindahan.".
So alis na kami na ni Erpats at pinaandar na ang kotse(Galant Sigma pa nun). Nagpababa na lang ako sa kanto at sabi ko na susunod na lang ako. Bumili ako ng isang stick na Marlboro at Sarsi(.75c lang ang isang stick at 2.50 naman yung Sarsi. Nahalata tuloy idad ko). Nasa kahalati pa lang ako ng yosi eh nakita ko na si Mrs. na halos tumatakbo at humahagulgol. Samama na lang daw siya sa akin kaysa bumalik pa sa kanila. Mas masaya daw siya kapag kasama ako. Naks! Ayos! So isinama ko na siya sa amin. Pero bago muna kami umuwi. Pinadaan ko muna sa Gemini na taxi sa Sta Mesa para mahimasmasan siya ;). After a week, nagpakasal naman kami sa huwes sa Caloocan(Doon ang pinakamura eh at wala pa pera at that time). The rest is history. Happy pa din kami sa isa't isa hanggang ngayon.