hello again mga gurus. kasi po makukuha ko na yung oto ko ngayong week, nagpa top overhaul kasi ako, pano ko ba mache-check kung ok na yung pagkakagawa? anu-ano dapat kong i-check?

ano ba yung engine valve? pag nagpa top overhaul ka ba pinapalitan din to? kasi sabi sakin, ni-resurface na daw yung makina kaya dapat original yung gagamiting gasket. e sa mga parts na binili ko wala namang sinabi saking bibilhing engine valve, ano po ba un? para kasing may nabasa ako dito noon about engine valve kso dko na mahanap.

guys, please help me po kung anu-ano dapat kong i-check after i-top overhaul? at kung anu-ano pang dapat ko pang malaman about top overhaul. ayoko na kasi ng backjob. at ayoko narin po kasing maloko ulit 4 d third time. at kung sakali man, pwede ko pa kaya syang ipa check sa iba para ma-sure ko na ok na yung sasakyan? ano po un bubuksan ba ulit yung makina?
pasensya na ang dami ko talagang tanong. wala kasi talaga akong alam.

thank you po sobra!