Quote Originally Posted by samson View Post
^ pina top-overhaul ko na ito pero nagkaproblema hindi yata kabisado ng nag-overhaul yung makina during fast few months naging palyado hanggang nabali yung isa sa mga turnilyo ng camshaft ayun naiwan pa nakabaon yung kaputol ng turnilyo sa cylinder head! wala sa timing AFAIK'

At madalang na rin ang mga piyesang ganito dahil nga sa medyo may katagalan na ang modelo...

kaya naghahanap ako na medyo abundant pa yung pyesa sa local market.
Mahirap na nga ang piyesa nyan, kokonti na kasi ang may ganyan na makina.

Kung timing madali lang ang timing niyan. 3 points lang ang titignan.

1, May timing mark sa overhead cam shaft nasa may likuran.
2. May timing mark sa crank shaft pulley sa may unahan ng makina.
3. May timing mark sa injection pump, kailangan mo lang ng allen wrench para maluwagan yung timing belt tensioner.

Tanggalin mo yung cylinder cover tapos tignan mo yung overhead cam shaft sa bandang likod sa dulo may latch yun dapat yung latch flat and parallel sa cylinder head. Tanggalin mo yung Timing Belt cover at tignan mo kung nakaturo yung arrow sa timing mark ng injection pump. Tapos silipin mo yung crank shaft pulley dapat nakaturo din yung arrow sa timing mark.

Pero kung may bali na turnilyo malamang baka pilipit na yung overhead cam shaft kasi di na nakalapat yan, pagsipa ng piston valve puedeng mapuwersa ang shaft.

hehehehe ito lang kasi ang makina na kaya kong kalasin at buuin. Dito ako nagpractice magmekaniko