4D56 mura at nagkalat ang parts. kabisado pa ng mga mekaniko.
ah' O.K, AFAIK' yan din yung makina ng mga Hyundai Grace or H-100 series na vans.
![]()
try isuzu C240 or the smaller displacement C190. mas kilala yan kaysa sa 4d56 and hamak na mas matibay.. yan din ang nakakabit sa mga forklift for its bulletproof engine and legendary reliability..
Reliable naman yung dati mong makina na Isuzu 4FB1, pa-qoute mo muna kung magkano ang pa-rebuild. Way back 1998 nagpa-rebuild ako ng 4FB1 inabot ng bente mil, palit cylinder linning, valve seat, piston arm bushing and bearing, piston ring, reface crank shaft, timing belt, oil seals and gaskets. Giba na yung kaha nung owner type jeep ko pero okay pa yung makina ng mabenta ko.
Pero pa-advice ka muna kung okay pang ire-build baka kasi phasing out na rin pati piyesa.
^ pina top-overhaul ko na ito pero nagkaproblema hindi yata kabisado ng nag-overhaul yung makina during fast few months naging palyado hanggang nabali yung isa sa mga turnilyo ng camshaft ayun naiwan pa nakabaon yung kaputol ng turnilyo sa cylinder head!wala sa timing AFAIK'
![]()
At madalang na rin ang mga piyesang ganito dahil nga sa medyo may katagalan na ang modelo...
kaya naghahanap ako na medyo abundant pa yung pyesa sa local market.![]()
Mahirap na nga ang piyesa nyan, kokonti na kasi ang may ganyan na makina.
Kung timing madali lang ang timing niyan. 3 points lang ang titignan.
1, May timing mark sa overhead cam shaft nasa may likuran.
2. May timing mark sa crank shaft pulley sa may unahan ng makina.
3. May timing mark sa injection pump, kailangan mo lang ng allen wrench para maluwagan yung timing belt tensioner.
Tanggalin mo yung cylinder cover tapos tignan mo yung overhead cam shaft sa bandang likod sa dulo may latch yun dapat yung latch flat and parallel sa cylinder head. Tanggalin mo yung Timing Belt cover at tignan mo kung nakaturo yung arrow sa timing mark ng injection pump. Tapos silipin mo yung crank shaft pulley dapat nakaturo din yung arrow sa timing mark.
Pero kung may bali na turnilyo malamang baka pilipit na yung overhead cam shaft kasi di na nakalapat yan, pagsipa ng piston valve puedeng mapuwersa ang shaft.
hehehehe ito lang kasi ang makina na kaya kong kalasin at buuin. Dito ako nagpractice magmekaniko![]()
eto din yun engine na kinabit namin sa owner type jeep namin kaya lng naka turbo sya.. until now gumagana pa din pero hirap na talaga sa parts...
suggest ko eh 4d56 ng mitsu dami parts nito at hanggang ngayon eh gamit pa din ng current model ng adventure, L300 even yung Strada 4D56 pa din pero CRDI nga lang.. bilhin mo na yung may turbo![]()
another alternative eh 4Jsomething yung pang hi lander kaya lang medyo mahal pa ata ang engine at parts nito.
meron ako alam KUBOTA ang tatak mura lang at regular lang ang kinkain na gasolina , ginagamit ito ng mga kuliglig at super tibay at super tipid pa sa konsumo![]()
![]()
C240 nakakabit sa assembled jeep wrangler namin dati. malakas humatak kahit mayrong aircon and power steering installed. fuel efficient too. if gusto mo medyo bago but still reliable, 4ja1..
Guys buhayin ko lang tong thread na to ha...
Meron din kasi kami wrangler type na jeep, engine installed is Isuzu 4BA1, anlaki!at overpowered kaya nanginginig kapag nasa 4th-5th gear na. At sobrang ingay.
Here's what I'm thinking (sorry mods medyo OT na yung iba).
1. Balak ko sana palitan ng mas maliit na diesel engine kaso wala ako masyadong kamuwang muwang lalo na sa diesel engines, hehe. Meron ba kayong masusugest na mura na diesel engine preferrebly Isuzu parin or Mitsu/Toyota? Say 10k-20k price?
2. Retain ko yung 4BA1, pero paano ko masusulusyunan yung panginginig ng sasakyan when I go faster? Also, meron ba way para manlang mabawasan yung ingay nya? Para kasing mas masingay pa sa dump truck,.
3. What size of mags can i use, di ko kasi alam kasi naka tansan rims pa yung wrangler namin at yung gulong, gulong ng pampasaherong jeep gamit. hehe. How much kaya 2nd hand mags?
4. Balak ko din palitan ng disc brake yung sa harap, palit hydrovac narin, masyado na kasi matigas yung preno. Pati coilsprings at bagong shock absorber balak ko din palitan. Magkano kaya magagastos ko for a 2nd hand?
Hope meron makag-input para naman maging smooth na ulit takbo ng sasakyan namin. Salamat.![]()
kung hinde ako nagkakamali, yung panginginig ay hinde dahil sa malaking makina. siguro sa suspension or steering yan. pa-check mo. wheel balancing, wheel alignment etc. kung assembled yan, malamang yan ang problema niyan.