ok lang kung tataas ang RPM, ganun talaga yun. Wag lang biglang bigla **wrenggg weng weng wenggg**
konting praktis talaga, nakapagpraktis naman ako masyado sa pag downshift kahit na hindi pababa. Mas maganda hatak ng car from 5th to 3rd at kailangan talagang rev-match para pasok ang kambyo. maganda rin when coming out of the turns, rev-match and downshift.
ganito ang rev-match ko:
clutch-in, shift to neutral at the same time blip throttle, then downshift. all these happens simultaneously and fast. sometimes kailangan ng dalawang blip sa throttle to get to your ideal higher RPM.
blip throttle ang kailangan mong makasanayan and know the ideal rev-speed.
mahirap yata yung sa multi-level na pababa mag engine brake. di yata maiiwasan na medyo mababad sa clutch para smoother ang engagement. kse kung mag blip ka pa, baka mabangga mo na nasa harapan :hihihi: