New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 3 of 3
  1. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    316
    #1
    Merry Christmas!

    Kanina mga papi, nung pauwi ako galing tarbaho sa SLEX kasi lagi ako dumadaan, at dahil free toll walang mga sasakyan at libreng libre ang daan.

    Ang siste pinatakbo ko ngayun yung sasakyan ng 160kph mula Eaton hanggang Susana Heights.

    Eh di masarap yung feeling pero alam ko na delikado dahil 500 ata ang multa ng overspeeding. Hehe!

    Ang tanong ko ay ganito. Ang series 3 super saloon ga16dne ba ay naka top speed limiter sa 160kph? Dahil hindi na sya umabante mula doon. kahit gaano kalalim ang tapak ko sa silinyador.

    Ang pangalawa kong tanong ay kung ang dipstick ba natin ay napapalitan? Dahil nung paguwi ko, binuksan ko yung hood, pag bukas ko laking gulat ko ng may mga langis doon sa heat shield, air filter box, valve cover at sa may firewall, at nakita ko yung dipstick ay nakaangat at basa ng langis yung hawakan, pati yung ilalim ng hood.

    Ganon ba talaga yun? Lumuluwang yung goma sa dipstick in time at hindi na na masyado ma-hold yung pressure dun?

    Maraming Salamat po at Maligayang Pasko!

  2. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    457
    #2
    Ang siste pinatakbo ko ngayun yung sasakyan ng 160kph mula Eaton hanggang Susana Heights. Eh di masarap yung feeling pero alam ko na delikado dahil 500 ata ang multa ng overspeeding. Hehe!
    Wrong bro. Delikado magpatakbo ng 160kph kasi kapag pumutok ang gulong mo (lalo na kapag luma na tires at stock pa), malamang hindi mo makokontrol ang sasakyan at kung saan ka na lang pupulutin ng rescue squad.

    Ang series 3 super saloon ga16dne ba ay naka top speed limiter sa 160kph? Dahil hindi na sya umabante mula doon. kahit gaano kalalim ang tapak ko sa silinyador.
    AFAIK, walang speed limiter ang Series 3. Malamang may edad na kasi ang makina at transmission kaya hangang dyan na lang sya.

    Ang pangalawa kong tanong ay kung ang dipstick ba natin ay napapalitan?
    Yes, may nabibilhan nyan sa casa o sa mga stores sa Banawe.

    Lumuluwang yung goma sa dipstick in time at hindi na na masyado ma-hold yung pressure dun?
    Yes, nagpalit na din ako ng automatic transmission dipstick kasi maluwag na ang goma nya (Civic naman ride ko non). Normal lang na madeform ang mga dipstick kasi babad sya sa init.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,320
    #3
    Quote Originally Posted by kurby View Post
    Kanina mga papi, nung pauwi ako galing tarbaho sa SLEX kasi lagi ako dumadaan, at dahil free toll walang mga sasakyan at libreng libre ang daan.

    Ang siste pinatakbo ko ngayun yung sasakyan ng 160kph mula Eaton hanggang Susana Heights.

    Eh di masarap yung feeling pero alam ko na delikado dahil 500 ata ang multa ng overspeeding. Hehe!

    Ang tanong ko ay ganito. Ang series 3 super saloon ga16dne ba ay naka top speed limiter sa 160kph? Dahil hindi na sya umabante mula doon. kahit gaano kalalim ang tapak ko sa silinyador.

    The Sentra has two limiters.

    Limiter #1 - RPM limiter so you can not go beyond the engine's "redline" or RPM limit.

    Limiter #2 - Speed limiter which limits the car's velocity to between 180 and 185 kph.

    Given that your car won't accelerate beyond 160kph, it is possible your engine has lost some power due to age or wear & tear or abuse or even wrong mods on the engine.

Oil Spill