
Originally Posted by
kupaloids
crawdaddy: Kaya po gumagamit ng oil flushing yung iba ay para palabnawin yung langis. Sa ganitong paraan mas mabilis madedrain yung langis (specially dun sa mga oil stations na quikie and pag change oil).
Me personally, di ako gumagamit ng flushing kasi may natitira sa loob pag drain ng lumang langis. Yung makina po kasi, may mga parte na malalim at pwedeng mag stay dun ang langis w/ flushing. Pag naglagay ka na ng bagong langis, hahalo ulit yun sa fresh oil mo tapos palalabnawin nya ulit yun thus shortening the life of your fresh oil.
Whith regards to additives, yung mekaniko ng L300 ko dati, may experience sila na may naglagay ng additive tapos naging parang GEL sa oil sump at bumara sa internals. Ang epekto... TAO PO!!! Kumatok ang makina! :lol:
Hitman: Just make sure na susundin mo yung PMS mo. My practice is every 5000 kms. Change oil, palit ng fuel filter at oil filter. Every other change oil po ako nagpapalit ng air filter kasi twice a week ako maglinis ng air filter, may air compressor kasi ako sa bahay.
BTW, DIY po ang ginagawa ko every change oil. Overnight ko ginagawa tapos ijajack ko yung L3 sa opposite side ng oil drain para siguradong lahat ng langis tutulo. Tune up nalang po ang pinagagawa ko sa mekaniko ko every change oil.
Pasensya na po sa mahabang post. :mrgreen: