Hello po mga sirs, alam ko po sobrang tagal na tong thread na to, I can't find the button to create new thread that the topic is similar to this. But anyway I find it non-sense kung gagawa pa ko ng new thread that discuss the same thing that you discussed here.
Okay, sorry for the introduction. Mag-coconsult lang po sana ako mga sirs, my car is also experiencing the same problem that relates to the RPM. Kapag ini-start ko po yung sasakyan ko mainit man ang panahon o hindi, kelangan ko pang alalayan ng gas para hindi bumagsak yung RPM. And then after a little while, pag binuksan ko na yung aircon papalo na sya ng 800 which I think is normal pero pag-pinatay ko na yung aircon ko, bababa sya ng 400-300 and then later on babagsak na sya at mamamatay na makina ko. taas baba ang RPM ko hanggang sa sumadsad sa 0. Tapos minsan ang isa pang scenario kapag nag-mamaniobra ako, namamatay yung makina ko dahil sa power steering. ano po kaya ang problema? nissan sentra 98 super saloon po yung kotse ko. pinalinis ko na din yung servo at throttle medyo umokey naman kasi dati kahit bukas ang aircon ko bumabagsak pa din RPM ko ngayon hindi na basta nakabukas ang aircon.
Sana po matulungan nyo ko mga sirs wala pa din kasi akong masyadong alam pagdating sa sasakyan.