Nagbabago din naman ang technology ng mga makina. Maalala ko kung panahon ng itlog na lancer at big body corolla ang mga 1.6 na makanina nasa 90+ hp pa lang yata. Ngayon pumapalo na ng 120+ hp ang mga yan.

Ang mga 1.3 nga ngayon ay nasa 85/86 hp na (almost 90 na), at yung mga mga 1.5 nasa 106-110 hp na (vios/city). Kung tutuusin, ang mga 1.5 ngayon mas malakas na compared sa mga 1.6 10 years ago.

I drive a Vios 1.3 and top speed ko so far ay close to 150 sa NLEX. Nakipagsabayan pa ko nun sa isang 1.6 na Lynx, pareho kaming palipat-lipat ng lane para umiwas sa mga mababagal na sasakayan. Alam kung from dead-stop to 100 km/h malamang wala akong laban, pero sa highway speeds na yun, na umaakyat baba lang kami sa 100 - 140 na range, nakakasunod ako sa kanya, di ako naiiwan.

Sa 145 kmh pala nag rpm ko nasa 3600-3800 pa yata, so kung gugustuhin, may maibubuga pa (6000 pa redline), aksaya nga lang sa gas labas nun.