update ko lang po ito sa ilalim po nanggagaling ang lagutok.
pag start ko sa umaga ,tapos mga 10 seconds on ako ng Air Con sa ilalim nanggagaling as in TOK,TOK,TOK,TOK,TOK na ang tunog niya.pag off ko ng aircon
humihina ang katok niya...

pag naman mainit na siya...medyo nawawala na ung katok..pero pag hinataw mo 70 & up may sound na tik kitik kitik,kitik kitik..

gamit ko nga pala gasoline ay silver by techron (CALTEX)

sabi nung pina tingnan ko maaring bearing sa connecting rod...kaya daw ganun ang andar kapag bagong start..or mahina nadaw ung bomba ng langis..

may nag sabi sa compresor ko lang daw..diba pag naka off na ang AC mo dapat wala ng katok na madidinig..
hihina nga ung katok niya pero pag inarangkada mo na kahit mabagal saka mo ulit madidinig ung sound ng tok tok tok..
lalong lalo na sa gabi at tahimik..dinig na dinig mo..