update ko lang po ito medyo lumalakas napo ang lagutok ng engine ko...
anong oil ang gamit mo?
naka timing chain ba yan? o timing belt? kung chain baka yung tensioner....
Pinacheck mo na ba sir sa trusted mo mechanic?
pwedeng katok or pwedeng valve clearance lang yan,
iba iba pwedeng cause.
anong gasoline gamit mo?
try mo muna mag atleast 95 octane gasoline and pacheck mo timing.
may significant loss of power ba?
ano ba yung klase ng tunog parang typewrite lagitik or lagatok? saan parte ng engine, upper or lower? yung frequency ng tunog sabay ba sa engine rotation or parang half lang ng engine rotation. sa una mong post sabi mo sa unang andar lang tapos nawawala din, sa ganun condition ay malamang sa valve tappet un. kung sa arangkada high speed ay pwede din timing issue lalo na kung lumabas yan after palitan timing belt. bring na lang sa mechanic pa test mo oil pressure using mechanical gauge mahirap mag diagnose ng tunog lalo na kung hindi mo actual na nadidinig.
update ko lang po ito sa ilalim po nanggagaling ang lagutok.
pag start ko sa umaga ,tapos mga 10 seconds on ako ng Air Con sa ilalim nanggagaling as in TOK,TOK,TOK,TOK,TOK na ang tunog niya.pag off ko ng aircon
humihina ang katok niya...
pag naman mainit na siya...medyo nawawala na ung katok..pero pag hinataw mo 70 & up may sound na tik kitik kitik,kitik kitik..
gamit ko nga pala gasoline ay silver by techron (CALTEX)
sabi nung pina tingnan ko maaring bearing sa connecting rod...kaya daw ganun ang andar kapag bagong start..or mahina nadaw ung bomba ng langis..
may nag sabi sa compresor ko lang daw..diba pag naka off na ang AC mo dapat wala ng katok na madidinig..
hihina nga ung katok niya pero pag inarangkada mo na kahit mabagal saka mo ulit madidinig ung sound ng tok tok tok..
lalong lalo na sa gabi at tahimik..dinig na dinig mo..
Maari pong wasak na yung mga engine supports...
Kung con rod or main journal bearings may kalog hindi na mawawala ang tunog kahit warmed up na ang engine...