Mga sir,

Patulong naman ho kung ano pinakamabuting gawin. Naiwan yung Nissan Terrano namin sa Dinalupihan, Bataan nung sunday, april 18. Papunta kami Olongapo for a birthday party sana nung kumatok yung sasakyan sa SCtex. Na-tow kami sa mechanic pinakamalapit sa Dinalupihan exit. Pinabili kami ng half block VG30 engine ksi makakamura daw kesa pira-piraso. Punta kami Banawe at pinakausap pa sya sa auto supply. Pagdating ng bus, di raw yun yung kailangan nya. Andun na ko mahirap hanapin parts nun pero gumastos kami ng P50,000 halos sa engine at paglipat nun sa Bataan. Gasoline yung amin, di ko na alam kung ipa tow ko ulit para lang itambak sa bahay muna hanggang makaipon ulit o maghanap ng mekaniko na tutulong sa amin. kakabili lang namin nito ng enero 2010 tapos katakut-takot na sakit na ulo na nangyari. Nagpatingin pala kami sa 3 mekaniko (2 Pateros at 1 Marikina) para pa-check ksi nga bibyahe kami sa Olongapo. Yung 1 sabi depende kung ano raw gusto namin una paayos tapos yung ibang sumunod, inayos yung busina at auxilliary fan (kaya daw overheat pag Makati-Marikina ride). Naman, kaya nga nagpatulong ksi di namin alam kung ano dapat gawin bago magbyahe e. Tapos eto pa isa, ewan ko kung ano balak, sabi 3 days lang daw, 1 linggo na wala pa rin. Ano tingin nyo? Patulong naman ho kasi nawawala na tiwala ko sa mga tao, iba-iba sinasabi.