I have a 2.5 year old Turbo Diesel van that survived Ondoy mostly intact. Kaya lang parang lumala ang turbo lag niya. Dati pag nasa 1500 RPM, hataw na siya. Ngayon parang gusto niya 2000 RPM, at pag naglalag siya, suber bagal talaga ng akyat ng RPM.

At meron pang intermittent (pero madalang at sandali lang) na CEL o check engine light na maari at maari ding hindi related.

Hindi nasira ang ECU nitong van na ito nung Ondoy. Siya nga ang kaisa isang nalubog namin na di nagpalit ng ECU.

Pero puwede kayang nag worsen ang turbo lag dahil sa baha? Ano dapat unahin tignan? Dumi sa intercooloer?