Guys! Alam nyo naman ride ko di ba? 91 Sentra, ECCS, 1.6L, Automatic...

Maganda naman ang idling nasa 1000rpm, at minsan may days na ok ang takbo...pero at times, bigla nalang babagsak ang rpm! kahit nasa high speed ako, pagpalit ng gear, biglang babagsak at mamatay ang engine!
minsan naman, pag traffic, pag quick brake, pag baba ng rpm tuloy-tuloy na hanggang zero... dati na nyang sakit to, sabi, madumi ang AAC valve, i had it replaced, so naging ok na.

tapos, naulit nanaman. sabi, carbon-cleaning lang daw ng throttle body hanggang exhaust. naging okay rin for a few months, pero ngayon, ganun ulit!!

nakakatakot na kasi delikado sa daan pag biglang mamatay nalang without warning! solution ko nalang e pagnakikita ko pabagsak na ang rpm needle, e magrerev ako, (kaso pag traffic, di naman maka-abante, so neutral,brake, at rev para di mamatay..) para tuloy nagfi-feeling manual na yung kotse ko...

sabi ng mechanic ko, electrical na daw ang problem, sa ECU, kinukulang ng bigay ng power...sa casa ko na daw ipa-check...

any other opinions here??

(wala naman effect yung I-H-E setup ko dun right?)