sq, more or less, mahal pa ang 4ja1 engine siguro ngayon.
yun, pwede rin ang 4ja1 engine ng crosswind. pero kung reliability talaga, eto ang pwede ko irecommend na mga engines.
2 lang ang very reliable, SD23 ng nissan at 4D56 ng mitsubishi. SD23 engine is 2.3L engine, malakas din na engine, ginagamit din sa forklifts eto. makina eto ng nissan pick up at nung bida. 4D56 naman is a 2.5L engine na very very common at talaga naman workhorse engine. makina eto ng L200, L300, adventure, at ms sport gls. yun nga lang, crdi na 4D56 ang nasa montero sport. pero sabi ng mekaniko namin sa planta, mahal na daw ang 4D56 engine. i saw brand new nito sa casa, wala pang tranny, 150k. pero kung surplus, wala na ko idea, pero mahal daw. its up to you nalang, canvass ka nalang. dagdag ko pa pala ang 2L engine ng toyota na makina naman ng hilux at revo diesel. it is a 2.4L engine, either with turbo called the 2L-T engine, na makina naman ng hilux surf. medyo iwas ka dun sa 2L-T engine kasi may nabasa ako sa wikipedia na issue dito.
kung maintenance, eh hindi mahirap hanapan ng mga piyesa ang mga makina na eto lalo na ang 4D56. common engines naman ang mga eto. kung gusto mo, pinakacommon sa lahat, 4BA1 o 4D30, mga makina ng jeep!
kung saan ka pwede makakita ng mga makina, recommend ko ang a. bonifacio, araneta ave., sa caloocan, grace park, may mga surplus dun at sa valenzuela kasi madami nagaassemble ng sasakyan dun