New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 6 of 6
  1. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    14
    #1
    Good day fellow tsikoters, hope you could give some ideas/opinions or advice regarding my problem. My engine just broke up last week as in butas yung engine block , I dont know what went wrong di ko pa kasi na check yung timing belt kung naputol. Now, balak ko ngayon palitan ng same engine lang which is PH16 ata stock engine nun para naman magamit ko pa yung ibang accessories like cold air intake and headers para menus gastos na rin. Any idea po ba kayo kung magkano na ngayon yung surplus na PH16 sa market? at saka saan po kaya nakakabili nito ng mura.

    Salamat po.

  2. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #2
    hmmmm para mabutas ang block mo ng ganun isa lang ang ibig sabihin nyan masyadong kulang ang langis ng makina mo.

    kung naghahanap ka ng PH16 walang japan surplus nyan dahil ang code ph sa makina ng mga honda ay dito lang sa pilipinas yan bale makakakita ka ng katapat sa ph16 yan ay ang d16.

    ang karamihan ng mga nag eengine swap sa mga ESi, LX at hatchback or kahit yun LXi or Vti nila kung single over head cam (SOHC) ang madalas na pinipili nila ay ang D15b na VTEC na galing sa EG kasi malakas ito ay mas agressive kesa sa D16 1.6 kahit 1.5 lang ang D15b vtec.

    ngayon kung gusto mo naman ang D16 puedeng puede rin kung gusto mong maging malakas yan ay ang ilagay mong ECU or computer box ay yung sa D15b na vtec galing EG hatchback (itlog) kasi maraming nag sasabi sa akin ang vtec-e at yung D15b na nakalagay sa EK-3 hatchback Vti or ay mahina kahit pa ang makina na mismong vtec-e at D15b na vtec na nakalagay sa EK-3.

    ang presyo ng D15b vtec at D16 ay halos parehas lang ranging price nyan from 30-35k mapa-manual or matic tranny bale ang wiring at engine mounting 12-15k naman kung naghahanap ka kung saan ang ang bilihan mura nyan meron sa blumentritt, evangelista at banawe pero mas maganda kung sa evangelista at banawe ka na lang pumunta.

    para maganda kung maraming surplus shop ay mag canvass ka kung saan mura kasi kapag lumagpas na ang presyo ng makina sa 35k masyado nang mahal yan, hangga't maaari ay makipag tawaran ka para makamura ka at pagawa ka ng quotation mula sa mga surplus shop kung magkano ang makina at labor (wiring at mounting)

  3. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    14
    #3
    * BOY TINO, sir maraming salamat po sa well detailed na reply mo, BTW may nakausap na ako na shop and he is offering me a D15B 3 stage vtec yun na lang daw ipalit ko sa makina since same price lang naman daw sa PH16 at saka fit naman daw pati yung cold air intake at headers ko. ok po ba yung d15b 3 stage vtec? kasama na po kaya sa labor kung papalitan ko ng piston ring at saka mga belt yung makina? gusto ko lang kasi makasiguro baka hindi rin kasi tatagal yung mga naka kabit nung makina. Sabi pa nga nung may ari ng shop na pag ako daw bibili ng makina baka hindi daw ako mabigyan ng warranty nung pinagbilhan ko whereas kung sa kanila ako bibili at sila din magkakabit bibigyan daw nya ako ng warranty.

    Thanks po

  4. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #4
    Quote Originally Posted by Paragus View Post
    * BOY TINO, sir maraming salamat po sa well detailed na reply mo, BTW may nakausap na ako na shop and he is offering me a D15B 3 stage vtec yun na lang daw ipalit ko sa makina since same price lang naman daw sa PH16 at saka fit naman daw pati yung cold air intake at headers ko. ok po ba yung d15b 3 stage vtec? kasama na po kaya sa labor kung papalitan ko ng piston ring at saka mga belt yung makina? gusto ko lang kasi makasiguro baka hindi rin kasi tatagal yung mga naka kabit nung makina. Sabi pa nga nung may ari ng shop na pag ako daw bibili ng makina baka hindi daw ako mabigyan ng warranty nung pinagbilhan ko whereas kung sa kanila ako bibili at sila din magkakabit bibigyan daw nya ako ng warranty.

    Thanks po




    ok lang bro

    tama ang sabi ng napag tanungan mong shop kasi ang D15b vtec at yan PH16 mo ay parang walang pagkakaiba pero madalas kasi mas kilalang mas agressive ang D15b vtec lalo na kung pang EG4 pa yan.

    kung D15b vtec 3 stage hindi na masama yan 128hp ok na ok na yan para ESi mo pero sana ibigay sa'yo yun hindi Vtec-E ang D15b vtec 3 stage ay may Vtec-E din na ang power ay parang sakal na madalas na sinasabi ng mga kaibigan kong mahihilig sa honda.

    sa pagpalit ng makina iba na ang singilan or may dagdag singil na yun gusto mong mangyari na papalitan mo ang piston ring at timing belt.... ganito ang gawin mo kung duda ka sa timing belt at piston ring ng inaalok sa'yo na makina ng shop na napagtanungan mo or kung saan shop ka mapadpad kapag tinuro nila ang makina na napili pabuksan mo ang takip ng timing gear kung saan makikita ang timing belt kapag may nakikita kang mga bitak bitak wag mong kunin yun kung wala naman ay kunin mo na pero for sure after mo na 1 month mula ng ikabit ang makina mo dun ka na lang magpalit ng timing belt.

    sa piston ring naman kelangan bago palang ito ikabit sa kotse mo paandarin muna nila at kung napaandar na kelangan hindi ito mausok habang pinapaandar syempre hindi rin nag aamoy nasunog na langis ang maamoy mong singaw sa exhaust nito or amoy gasolina na hindi nasusunog wag mo din kunin at higit sa lahat kapag nakikita mo ang makina na ang block nito or maging ang ibabaw ay nangingitim dahil sa langis na para bang naligo ito mismo sa sariling langis.

    kung sa pagkabit na lang ng makina paandarin ganun din ang gawin mo sa nasabi ko kung naghihinala ka na may problema ang piston ring ng makina.... ngayon kung naisalpak na lahat - lahat at nagagamit mo na para sure na ni isang piston ring ay walang problema mag pa compression test ka sa speedyfix dun pasig bale ang singil nila dun hindi lalagpas sa 500 pesos at isa pa may record sila kung ano ang tamang compression ng makina na nabanggit mo..... kapag hindi naman tumugma ang compression ng makina na nabili mo sa record nila na tamang compression para sa makina mo ibig sabihin ay ibalik mo kung saan mo binili ang makina mo.

    oo nga pala sa sinabi sa'yo about sa warranty ganun talaga ang kalakaran lalo na kung hindi mo pa kakilala at kadikit ang shop na kung saan ka bibili, kasi ganito yan kapag bumili ka ng makina sa isang surplus shop at hindi sila ang magkakabit kapag nagka problema ay makina sa loob ng warranty na dapat ay ibibigay nila kapag sila ang nagkabit ang sisisihin ng shop kung saan ka bumili ay yung nagkabit sasabihin kesyo mali ang kabit, mali ang wiring basta ang dami nilang idadahilan pero ang totoo yun nabili mong makina ay problema pala.

    ngayon kung gusto mo may warranty saan ka bumili doon ka magpakabit medyo pricey nga lang kasi hindi bababa sa 12k ang labor ng kabit at wiring ng makina na bibilhin mo sa kanila kung matatawaran mo pa... sa warranty na ibibigay nila pinaka matagal na ang 2 months ngayon kung halimbawa naman naging sablay ang makina mo at under warranty pa puede mong ibalik para palitan kaso yan ay kung meron din silang stock na katulad ng makina na binili mo sa kanila or kahit D16 man lang ng sa ganon ay kokonti lang ang bayad na idadagdag mo, pero kung wala naman makina na nabanggit ko malamang ay mag antay ka ng matagal para sa isa pa nilang parating na surplus galing japan saka ka palang dyan mapapalitan ang nabili mong makina na may problema sa kanila........ syempre kailangan ang makina ay may papel para pag irerehistro na ulit ang kotse mo ay puede mo na rin ang isabay ang pag change ng engine number sa rehistro.

    kapag natuloy na ang pag palit mo ng makina puede mo na rin isabay ang change oil at tune up na walang extra charge basta paki-usapan pero anong malay mo baka maidamay mo na rin ang pag-palit ng timing belt tutal madali lang naman ang mga yan maliban lang sa pag palit ng piston ring kasi kapag piston ring na almost overhaul na rin yan babaklasin ang makina mo.

    sa langis naman kung medyo may budget ka ay bumili ka ng royal purple at oil filter na bosch or kahit vic lang, sa royal purple kahit fully synthetic ito ay compatible naman sa lahat ng klase ng langis yun kahit pa yun makina na binili mo ay ginamit nung una ay mineral oil or semi synthetic pa at di lang yan puede mo rin ihalo ang royal purple kahit ang makina ay langis na dalawang nabanggit ko....... bale ang presyo nga pala ng royal purple na ay nasa 500 to 550 kada isang litro ang mas mahal yung royal purple na XPR kasi racing oil ito bale nasa 800 to 900 ata yan kada isang litro....... ok na sa'yo ang royal purple na hindi XPR kasi subok ko na ito nabawasan ang ingay at nginig ng makina ko sa corolla, kahit sa karera ok din.

    bale sa'yo mga tatlong litro ang mailalagay sa makina nabibilhin mo at baka may sumobra pa pero maige na rin maniguro ka bumili ka na lang apat na litro para kung sakaling kapusin ay may nakahanda kang reserba.... ang bilihan nga pala ng royal purple ang alam ko sa speedyfix at speedlab lang.

    GOOD LUCK SA BINABALAK MONG PALIT MAKINA BRO

  5. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    14
    #5
    Sir boy tino, thanks again for all these guidance sir, I've learning a lot now.salamat sa mga katulad nyo na handang tumulong sa mga katulad ko na baguhan lang . Hopefully sana succesful yung engine transplant,regarding pala dun sa sinasabi mo na VTEC-E hhmmm ma check ko nga pala yun pag pumunta ako sa shop. update ko kayo sir pag natapos na.

    Thanks.

  6. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    1
    #6
    Hi, makikitanung na rin... may 95 ESI din kami na sira cylinder head,sabi ng mekaniko, palitan daw cylinder head ph16. mas ok ba hanap kami ng kapalit na head ph16. may nagbibenta smin ng d15b head with vtec pero di ko sure kung pwede. sabi nya pwede raw tapos if ayaw i-utilize vtec, pwede naman daw hindi gamiten. magwowork kaya to PH16 HALF BLOCK STOCK WITH D15B CYLINDER HEAD? if not, what could be the better option? Thanks!

Help...ESI 93 engine replacement