
Originally Posted by
weisshorn
Paano nasabi na leaking oil ang turbo? Nasubukan ba na nilinis muna ang turbo (katulad ng isang post sa itaas) then disconnected ang discharge side (compressor) hose? Kapag malinis at walang langis ang turbo charger compressor then patakbuhin ang makina na disconnected sa intercooler makikita ngayon kung tuloy-tuloy ang labas ng langis, kung ganyan nga ibig sabihin leaking ang seal sa compressor side, kung isang buga lang at pawala na ang langis ibig sabihin accumulated oil lang hindi leaking seal. Leaking seal pwede na overhauling kit lang kailangan plus cost ng balancing. Mas mura keysa turbo replacement.