
Originally Posted by
Chinoi
Pwede mo rin ma-identify kung overheating ignition coil problem. Paandarin mo engine hanggang umabot na start na magluko yun engine. Hwag papatayin ang engine. Isa isa mo hugutin yun High Tension cable at ilapit mo sa metal part ng kotse para lumundag yun spark, Ibalik kaagad ang high tension cable sa spark plug. Kapag mahina ng lundag ng spark ay mahina na ignition coil dahil sa kalumaan.
Then off mo muna engine at kuha ka ng basahan ay basain mo ng tubig. Ibalot mo sa ignition coil para ma absorb yun init ng Ignition coil. Hwag babasahin yun high tension cap at + and - coil terminal. Kapag medyo malamig na ignition coil ay paandarin uli. Then ulitin yun test procedure na mention ko. Kapag lumakas yun spark sa high tension cable ay Ignition coil na ang dapat palitan.
Never ilulubog ang ignition coil sa tabo ng tubig. Baka masira ng di oras yun ignition coil . Nag isolate pa lang naman tayo.