Tama mga suggestion nila bro. Palitan mo yung fuel filter, tune-up, at palinis na rin yung fuel injector or carburator (hindi kasi ako sure sa fuel system mo).
Anyway, ang sabi mo e kapag 2 days na hindi pinapaandar ay pumapalya at namamatay yung andar. Malamang hindi fuel pump. Kasi pag fuel pump yan e inconsistent ang pagluko nito. Pwedeng ayaw mag start or habang tumatakbo ang car mo e namamatayan ka.
Try mo din pabugahan ng compressed air sa gasoline station ang fuel lines. Baka barado na rin esp yung "return" pipe line. One reason din kasi ito sa problema mo esp pag natetengga ang car.