Magandang araw mga tsikoteers! Nais ko lang humingi ng konting tulong/kaalaman sa car problem ko.

Car details
Toyota Corona 12r engine
Oil/filter changed
Radiator flushed/drained/refilled with coolant
new oil filter
new fuel filter
new spark plugs
new dist. cap and rotor
new hi tension wires
replaced contact points
new air filter

Heto ang problema ko sa ngayon, very erratic un idle niya, taas-baba un rpm needle kasabay ng nginig ng makina, pulsating un engine speed nya minsan bumababa ng mabilis pero nakaka recover bago mag stall.. Pina check ko sa mekaniko and sabi nya lalagyan nya ng Ignitor(?) (hindi ko alam kung bakit,pagkakaalam ko walang ignitor sasakyan ko) Bakit hindi na lang palitan ignition coil? then sabi nya maaaring brake booster kaya ganon un idle ng car ko.. Baka meron nakaranas ng ganito sa sasakyan ninyo o maaaring magbigay kayo ng idea kung ano ang puwedeng sira ng sasakyan ko.. thanks po... Upload ko isang video to show its rpm, un taas baba ng needle ay ramdam din sa sasakyan.. salamat po...