ako wala pa naman naging problema sa engine wash. degreaser spray (marami sa diy) at brush lang katapat. dati nag-aalangan din ako na mabasa yung alternator at sensors pero lately di ko na binabalutan ok naman. yung air intake lang tinatakpan ko pero kahit wala na takip, kapag napasukan naman ng konting tubig, dun pa sa air box papasok, punasan na lang bago paandarin. kapag na dry na, konting pahid ng dressing malinis na ulit. normal pressure lang ng garden hose ginagamit ko. here's what i do, palamigin muna makina. spray degreaser the let it soak mga 2mins tapos agitate ng brush. wala akong detailing brush, ang ginagamit ko yung paint brush na puti yung bristles, itinali ko sa 1ft na stick para maabot yung hard to reach areas. kapag madikit yung mga natuyong oil at dumi, spray mo lang ng konti pang degreaser then padaanan ulit ng brush. then hugas na, padaloy lang ng tubig no need na lakasan yung pressure. tapos punas punas na, kung may mga tinakpan ka make sure na tinanggal mo na. then the moment of truth, paandarin mo makina para madaling matuyo, cross your fingers na walang check engine light then kapag natuyo, pahid ng konting dresssing ayos na! i used 303 aerospace protectant o yung meguiar back to black hindi siya shiny. kapag gusto ko ng medyo shiny ay yung penetrating oil ng mitsu casa ginagamit ko sinubukan ko rin yung nabasa ko na diluted na tire black 50:50 sa water ok din pero madaling kumapit ang dumi