Ganito yan para madali mo maintindihan at i-explain mo sa casa.
Di kailangan na magpermanent na check engine light ka para malaman nila na may problema. Ibig sabihin na nag check engine light ka, may problema na sasakyan mo pero intermitent pa ito for the meantime kaya ganun rin ang pag ilaw nya.
Ipa scan mo ang sasakyan mo sa pinakamadaling panahon bago pa mag permanente na ilaw yan.
Sa totoo lang, ang engine or ecu scanning ay dapat kasali sa PMS ng mga sasakyan na may ecu, kasi kahit di man umilaw ang check engine light, may mga errors yan na naka log sa memory.
Sa scanning mo rin makikita kung fuel efficient pa sasakyan mo at yung mga threshold/limits ng mga sensors mo.




Reply With Quote
