Magandang araw mga tsikoteers, Pa help naman po about my car troubles.

Details: 1982 toyota corona
Original 12r engine
Newly general overhaul, replaced sparkplugs, Hi tension wires, oil change and tune up.

Bale mga two weeks ago pina general overhaul ko ang car ko kasi humina na un hatak nya, and malakas na magbuga ng smoke tapos ang ingay ingay ng engine parang may kumakatok, naayos naman un pagkabalik ng car at smooth na yun andar. then 2-3 days later bigla na lang siya nag buga na naman ng white smoke then binalik ko and sabi nya pumutok un isang spark plug(factory defect) kaya rin siya umuusok sa tailpipe. Then okay na uli... then ngayon, minsan naman okay siya, one click start tapos smooth ang idle niya pero may mga instances na mga 3-4 times na matagal bago magstart un engine, redondo lang ng redondo then pagkumagat na un engine maglalaro lang un idle niya sa 200-300 rpm hanggang mamatay engine, paulit ulit un, at matagal bago maistart uli. One time nag da drive ako, nailagay ko lang sandali sa neutral kasi pababa naman ang kalye, biglang namatay ang engine, ang hirap pa naman ng brakes pag walang engine buti na lang walang kasunod.

Sumpong sumpong lang siya, minsan okay na okay andar nya pati idle, minsan naman matagal bago mag start tapos kailangan ko pa ibalance un gas para di mamatay engine, may times naman na smooth na smooth siya sa 850 rpm.

Parang istorya na eheh^ sana may nakakaalam ng prob ng car ko at makatulong.. OH btw, may napansin akong isang tube na galing sa ilalaim ng carburator cover inalis ng mekaniko at nilagyan ng screw sa dulo at hayaan ko lang daw un, then may tube sa may ibabaw ng engine cover beside the oil filler cap na nakalagay lang pababa sa side ng engine, may oil lagi sa dulo nito...

M/T ang car.. salamat!