masters tulong po, meju palyado po 4k engine ko, yung 4th cylinder po parang di gumagana.. habang umaandar tinanggal ko isa-isa yung high tension wire, nagbabago po andar nya from 1st to 3rd cylinder if high tension wire has been removed. pero sa 4th po, wala .. hindi nagbabago .. so it means IMO ito ang problema...tinanggal ko spark plug, kulay itim na.. pinalitan ko ng bago, tapos pinaandar ko ulet... inulit ko yung procedure kung magbago ang andar pag tinanggal ang high tension wire, wala nangyari, peo kung eccheck naman kung may kuryente yung 4th high tension wire pumipitik naman kitang-kita pag eground sa engine or metal parts, tapos tinaggal ko yung bagong spark plug sa 4th cylinder, wala pa 5minutes na umaandar ay sobrang basa na, kaya feeling ko hindi na xa nakakapag spark kasi basa na ng langis.
ano po suggestion nyo dito? palit valve seal at pistion ring? or pwede valve seal lang? magkano po labor sa "top overhaul" ba tawag dito?
gusto ko rin sana palitan muna ng valve seal lang para makatipid .. baka kasi valve seal lang ang problema.. kaya ba palit ng valve seal na hindi tinatanggal ang cylinder head tulad nito [ame="http://www.youtube.com/watch?v=ob_4-F-m1FI"]Valve seal Replacement - YouTube[/ame]
salamat po