Sinubukan ko hugutin yung plug connecting dun sa second pic, wala namang reaction sa temp gauge ko. Ang napansin ko lang, hindi nageengage yung compressor ng AC pag nakabunot yun. Sinubukan ko rin tanggalin yung connection sa instrument panel (2 set ng connectors). Pag yung left side connector lang ang nakakabit, pumapalo hanggang taas (lagpas sa level ng HOT) yung needle, meaning hindi sira yung gauge ko, tama ba?