Pasensya na binuhay ko tong thread.
Yung L200 1998 ko kasi ayaw mag engage ng compressor at walang lamig ang aircon.
Hindi rin tumataas yung menor pag pinindot ko yung AC ON button.
Pag sira ba tong temperature sender sa 4D56 hindi din gagana yung idle up or mag engage yung sa compressor?
Sabi kasi ng mekaniko need daw new compressor, sabi ng isa shaft seal daw. Nag basa ako at check sa youtube and nakita ko na
may mga video na temperature sending unit daw muna tingnan. Kasi daw if sira di daw gagana yung compressor at yung menor. Totoo ba?
Paano nyo na fix yung sa inyu?
