alam ko kung pano nakakasilaw yung HID na walang projector..lahat naman tayo galit sa ganun, ang kailangan ko lang ay kung pano ikabit yung HID ko..nagiisip ako ng paraan para pangontra sa glare..yung headlight ko, may takip yung bulb at ang support nung takip na yun, nasa baba, so tingin ko makakabawas na yun sa reflection ng ilaw na pataas, pero alam ko kulang pa yun, naghahanap nga ko nung casper na glare shield at nagbasa narin ako nung DIY na glare shield, gusto ko lang naman muna mafit yung HID ko at sunod dun yung pag testing ng cut-off..alam ko galit ng mga tao sa nakakabulag na HID, at isa na ko dun, kaya gagawin ko ang lahat para masulusyonan ang headlight ko pag nakabit ko yung HID,,pero bago ang lahat, humihingi ako ng tulong para makabit muna tong bulb ko..

di naman po ako manhid o walang hiya para ikabit lang tong bulb na to at wala nang pakialam kung nakakabulag ba o hindi..kaso di ko masusubukan at mapapagpraktisan tanggalin yung glare kung hindi ko manlang maikabit ng maayos yung HID..

baguhan lang ako sa mga koche pero alam ko naman sir ang tama at mali..ayoko ipakabit to sa iba dahil hanggang dun nalang, kailangan ko matutunan yung pagkabit at pagtanggal para magawan ko ng paraan..kung tutulungan niyo ko maikabit yung HID ko at bebentahan niyo ko ng glare shield ng tamang presyo, bibilin ko yan para di na ko gagawa ng DIY na glare shield..yun lang naman ang kailangan ko..kailangan ko ng malakas na ilaw na di makakabulag sa ibang motorista pero di din mabubutas ang bulsa ko..yung lang naman po ang sa akin..