Guys, patulong po regarding info about L300 alternators.

-Anyone here knows the code of the stock L300 alternator?
-Ano po tawag sa part ng alternator na kung saan tumatama yung mga carbon? Parang brass or copper color nya.
-ano pa ibang alternator na pwede isalpak sa L300?

Sensya na dami tanong. Nagkaproblem po kasi sa alternator last week at pinalitan na yung IC at diode so okay na sya for a week that is. Kahapon lang bumigay na naman at di nagkakarga na naman. nasira yung batt at medyo lumobo na. So napabili ako ng new battery at pinacheck ulit yung alternator.

Nakita na medyo gastado na yung copper kung saan dumidikit yung mga carbon. Suggestion nila na hanap raw ako ng part na yun pero di rin nya alam ang tawag sa part I'm planning to check mga surplusan dito sa pampanga area.

5500 daw kasi ang buong surplus alternator according to them. Pero hanap muna ako dito sa area namin baka mas mura.

thanks for the help!