Update ko lang kayo sa nangyari. Pinagawa ko siya sa amin kanina 400php lang mura na konting softdrinks at puto lang. Ang nangyari nagloose na yung parang plastic na white na nakacover sa round metal ball sori di ko alam tawag dun sa mga parts na yon. So ang ginawa binutas nya yung white na cover sa gitna tapos drill nya yung metal ball sa gitna nilagyan nya ng screw na nagconnect sa metalball at sa white plastic (nag welding sa metal ball para maconnect nya yung screw) yung screw sakto lang ang nipis tapos nilock yung ends ng screw (ibang klase yung screw na ginamit eh.) syepre nilagayan ng grasa at wd40 yung mga joints at yun gumana naman ok na ang takbo ng wiper ko.