
Originally Posted by
reym
Kung ako ikaw :
1. tingnan mo muna battery connections, pag tik-tik na ganun hipuin mo positive at negative terminal pakiramdaman mo kung nag iinit, pag nag init, maluag ang connection - tanggalin, hugasan ng tubig at ikabit ng mahigpit.
2. Pag hindi uminit, check mo ung solonoid switch ng starter, subukan mo mag jumper ng wire + battery (1- seconds lang na naka neutral ka) papunta sa manipis na nilalagyan ng wire sa starter, pag nag ok replace mo ung uriginal wire na pamunta sa susian.
3. Pag di pa rin, check mo ung ung battery voltage (digital volt meter) dapat 12.+ yan, pag ok, subkan mo sa ibang sasakyan kung kaya ng battery makapag start ng iba.
4. pag hindi pa rin, malamang ung solonoid ng starter ang sira or ung motor or ung gear ng starter o flywheel gear.