hingi po sana ako sinyo ng info about working in Qatar.
may nag offer po kasi saking job as an IT Sales.
ang offer daw po nya is Qr. 3,500. transportation will be provided by the company.
tama po ba ang offer nya? hindi po mababa?
hingi po sana ako sinyo ng info about working in Qatar.
may nag offer po kasi saking job as an IT Sales.
ang offer daw po nya is Qr. 3,500. transportation will be provided by the company.
tama po ba ang offer nya? hindi po mababa?
transportation lang ba i-provide nila? what about the accommodation? kung qr3500 ang offer nila, let's say walang pa-bahay ang company, and kung mag-bed space ka around qr 600-1000 pero pag mag-rent ka ng sariling room mas mahal... plus qr500 sa food good for 1 month na yon... so more or less may matitirang 2000 sayo... actually not bad na yung offer compare sa iba dito lalo na sa mga first times pero syempre depende sa qualifications and experience mo di ba? kung sa tingin mo na fair naman yung offer, grab mo na. pwede malaman yung company na nag-offer sayo sir?
OT: ecneret nasa Qatar ka?anong company?
+1 ako dun sa mga sinabi ni ecneret. First timer to work abroad TS?or first time sa ME country? one thing pa na pagisipan mo yung weather, pumapalo na ngayon ng 48 ang temp. july-august mas mainit daw plus humidity pa.
dapat di baba sa US2K yan. + housing + transpo. allo.
pero kung beterano ka na as an IT....pwede kang humingi ng mas mataas pa dyan.
QP? pa kape ka naman!!!nasa Al-khor accommodation ko sir
hehehe nagwinter ba sir?maganda Qatar kumpara daw sa Saudi.
teka nakita ko yung posistion ni TS....IT Sales. pa'no yun sir?
kala ko IT support........
kung sales, baka may commision ka pa on top of that salary.
ang sabi ng employer, pwede naman daw na mas mataas pa yung salary. kaso lang tataasan din nila ang monthly sales quota ko.
iniisip ko, since first time kong mag abroad at first time kong pumunta ng qatar, hindi ko syempre kabisado ang market don. mangangapa pako sa umpisa. baka hindi ko ma meet ang sales quota kung mataas.
dito sa pilipinas, hindi naman po sa pagmamayabang, medyo may kakayahan naman po tayo magbenta ng malaki.
sabi din nila, after 3 months of probation period, saka palang ia-arrange ng company yung accomodation.
at family status and additional benefits, will be based on sales performance.
sa weather, wala naman akong problema don...siguro naman may aircon yung office at bahay na titirhan ko ;)
pano pag malamig dyan? may snow ba? anong temp.?
di ka mabubuhay dito sir pag walang a/c. :lol:
mukhang ok naman pala yung offer and depende din pala sa magiging performance mo. and mukhang kayang-kaya mo naman. kung mga computers din lang ang ibebenta mo, mataas ang demand nyan dito. nagkakatalo na lang syempre sa presyo o package siguro. make sure lang na nakalagay sa contract yung mga panagako nila. ano company pala sir yan?
about sa weather, extreme ang weather dito.. pag mainit, sobra init talaga w/ matching humidity! pag winter naman, sobrang lamig din... pero wala naman snow... mami-miss mo ang bagyo for sure, pero magsasawa ka naman sa sandstorm!![]()
di pa ko nakapunta don e. pero mas maganda daw... parang pinas na nga din daw... halos lahat nandon na, even yung mga bisyo like drugs, babae, etc... kung mahilig ka sa mga gimik, tingin ok don. pero kung hanap mo talaga e work and kumita, mas ok ang qatar... pero dont worry, may social life din naman dito... nakakabili ng alak kahit papaano.. dayo ka samin, kapapagawa lang namin ng bar...![]()
maki-join na rin ako sa kwentuhan. IMO mas okay dyan sa Qatar kesa Dubai kasi ang taas na ng cost of living sa Dubai. totoo yung sabi ni ecneret na parang Pinas na, kasi kahit saan ka magpunta may Pinoy pati ibang lahi nakiki-kabayan o pare na rin. hindi ako full time sa Dubai pero madalas ako magpunta kasi dun head office namin kaya na-experience ko rin buhay dun.
para kay TS tingin ko nga rin madali lang makabenta ng IT products kasi in-demand naman yan. sa weather naman, kayang-kaya mo ang weather ng middle-east at wag ka mag-alala may mga A/C ang tirahan duon at napakamura ng kuryente.
piso tumpok ang gasolina dito.... sight seeing dito sa umaga approaching RLIC (Ras Laffan gate) daming magagandang tsikot at mga SUV pick up etc....luluwa mata mo...
Anong kompanya TS? Ok dito sa Qatar. Kahit pork pede nang mabili basta may lisensya ka lang.
Pero pagdating mo nang airport mag check ka baka kasi mabigla ka kasi mas marami kang makikitang itik kesa Qatari dito.
kung naiinom nga lang ang gasolina e yun na lang inumin ko e. mas mahal pa kasi ang tubig! qr1/liter ang gas - tubig 1 riyal/500ml![]()
*ts - unahin mo magka-driving license dito just incase, mas tipid kasi kung may sarili ka auto kesa mag-commute pag gagala ka...
OT:
*chris - anong company ka sir? baka may hiring sa inyo mag-apply ako?![]()
sorry OT. * chrismarte dyan ka pala sa RLIC, may offer na work sakin dyan sa side ng QG at ang accomodation daw ay sa Al-Khor din. re-itik, kahit saan marami ang mga yan, he he he.
*gongrheyRasGas at Oryx GTL ata katabi ng QatarGas. anong work? Limpak limpak ang itik dito no? hehehe