maki-join na rin ako sa kwentuhan. IMO mas okay dyan sa Qatar kesa Dubai kasi ang taas na ng cost of living sa Dubai. totoo yung sabi ni ecneret na parang Pinas na, kasi kahit saan ka magpunta may Pinoy pati ibang lahi nakiki-kabayan o pare na rin. hindi ako full time sa Dubai pero madalas ako magpunta kasi dun head office namin kaya na-experience ko rin buhay dun.
para kay TS tingin ko nga rin madali lang makabenta ng IT products kasi in-demand naman yan. sa weather naman, kayang-kaya mo ang weather ng middle-east at wag ka mag-alala may mga A/C ang tirahan duon at napakamura ng kuryente.