parang medyo nag dadalawang isip ako....
binibigyan ako ng Qr. 5,000,000 monthly sales quota. hindi ko alam kung mami-meet ko.
kasi hindi ko naman kabisado ang market dyan sa Qatar. di ko alam ang presyuhan. symepre sa umpisa mangangapa pako non.
kung dito sa pinas, walang problema yun...kahit na doblehin pa.
baka biglang pauwiin ako ng di oras pag di ko na meet expectation nila.
lalo na kung tulad ng sinasabi nyo na maraming buraot dyan na ibang lahi.
kng 3500 basic alone, at i provide ng company mo ang accomadation at transpo pwede na cguro for a start para sakin, kung bihasa ka naman sa trabaho mo bakit hndi mo subukan sir diba, tsaka wag ka mag alala sa language barier dyan mas nag eenglish mga tao dyan kesa dito sa saudi, tsaka ts i negotiate mo maigi yung accomodation dyan kasi hanggat maari eh sa company mo i charge yung accomodation mo kasi ang alam ko mahal dyan yun compare dito sa saudi.misis ko pala nandyan sa qatar dapat ako pupunta dyan by september kaso nagpaalam ako sa comnpany ko dito hindi ako pinayagan sya na lang daw kunin ko dito0 at binigyan ako ng offer na medyo mahirap tanggihan kaya si kumander na lang kunin ko dito.pero baka pasyal ako dyan sa october visit sa hajj vacation. good luck sayo ts
qr. 5,000 ba o 500,000? may placement fee ka ba sir? kung wala naman, bakit di mo i-try? kung pauwiin ka man nila sagot pa din naman nila ticket mo... saka di ka siguro pauuwiin nung mga yon kasi gumastos na din sila sayo... imo lang...
wag mo intindihin yung mga sinasabi namin na mga buraot na ibang lahi... di tayo papatalong mga pinoy sa mga yan... kaya nga eto nandito pa din kami e...saka gusto pa din nila dito e mga pinoy... masipag and magaling makisama...
meron din nightclub na pinupuntahan ang mga Pinoy dun, di lang ako nakapunta. sa mga bar naman mga Pinay ang waitress mga naka-mini pa, sa hotel na tinutuluyan namin yung bar mga Pinay ang kumakanta sa sing-along.
dyan sa Qatar mga Sir, anong mga gimikan dyan? may kakilala ako umayaw na dyan kasi wala daw good time, ewan ko kung saang lugar napunta yun. gusto kasi nun yung iinom siya after office works.
kung inom din lang meron din mga disco mga hotels dito and may mga banda din mostly pinoy pa. si mocha actually nanggaling yan dito... pero ako, sa bahay lang kasi ako umiinom, kuntento na ko don. saka nandito din kasi family ko kaya wala na din hilig sa good time. bachelor siguro yung kakilala mo dito kaya umayaw o baka outside doha siya naka-assign so wala ngang buhay o social life man lang.
maliligulo na rin ako mga boss. Exactly 1month ngayun pero 5yrs nako sa company namin IT rin ako pero pang 3rd na deployment ko na to. Napakalayo sa dati kong deployment which were in Iraq and Afghanistan. Mas ok kung sasagutin nila yung accomodation kasi yun ang pinakamahal dito. 1 Month rin ako nag stay sa Hotel kasi provided ng company ngayun nakakuha ako ng room partitioned 1,200qr solo ko lang naman.
kung wala ka namang gastos tuloy mo na. Pagdating mo kontakin mo si ecneret marami na sigurong kontak dito yan.
kahit mga itik minsan gusto nila pinoy ang kasama nila ayaw nila mga kasama mga kalahi nila kasi wala silang matatapos na trabaho. Magaling sila sa patama ng trabaho kaya kilala na nila isa't isa. :bwahaha:
QAR 5M? isnag buwan?o isang kontrata ba yan? laki ata nyan!!!!
Last edited by chrismarte; June 27th, 2012 at 09:03 PM.
sensyan na mga sir kulang yung info ng post ko kanina.
kung hihingi daw ako ng mas mataas ng sweldo, mataas din daw ang magiging monthly sales quota ko.
sample daw kung Qr. 10,000 ang sweldo ko; bibigyan nila ako ng Qr. 5M monthly sales quota. pero kung halimbawa daw Qr. 3,500 lang ang sweldo ko; mga Qr. 200k lang daw ang monthly sales quota ko.
e kung Qr. 1M ang monthly sales quota; pwede naba yan dyan?
For sure mangangapa ka sa una sabi mo nga, may probation period naman siguro sa nag aalok sayo. 3500 ba sir + komisyon pa?
*TS - boss ok naman dito sa qatar, yun nga lang kahit san mang panig ka ng qatar hindi mawawalan ng itik... kung titingnan mo buong qatar parang bansa na ng mga itik ang qatar...