^
hindi ba pabor sayo un sir kasi pag iba't iba ang location mo pwede iba't iba din ang asawa.kidding aside..... mas maganda yan sir, kung makasama mo buong family mo with you at settle down.
![]()
OFW ako for 20 years na..maraming options being an OFW para ma consider mo alamin mo muna kung anong trend ng skills mo abroad baka kasi nasa matatag na company kana at ok naman pa sweldo mo wag kana umalis ng pinas.. Yung mga labor bracket mas malaki diff ng sweldo compare sa pinas like carpneter, or mason, yung mga highly skilled person like Welder, mech at kung ano ano pa ok din sweldo kesa pinas,
Yung mga Engineer medyo hindi pare pareho based on my experience. Me being working in Oil and Gas industries masasabi ko na medyo ok ang sweldo sa ganito kaya lang may high risk din depende sa posisyon mo. Home sick depende sa tao yan naka 15 Years ako sa Oman nasa gitna pa ng disyerto pero ok lang complete facilites naman at short rotation lang naman. Pag city base ka family status kasama mo family free house with furniture at sagot din ng company ang education ng mga anak.
Kung rotation ka naman trend na ngayon almost standard na yung 28/28 rotation (28 days work /28days vacation with pay and free ticket pauwi ng pinas). Meron naman nag bibigay ng daily basis medyo malaki ang rate nito on my experince ang highest rate na nakuha ko 1,200 USD/day pero sagot mo pamasahe mo pauwi at walang bayad ang 28days na bakasyon.. so almost the same lang kung monthly salary ang offer sayo. Ang kaibahan lang ng daily rate wala kang end of service benefits.
The best thing I like most in my company is free medical insurance for my self and family (BUPA name of insurance) and it covers all the expenses with a yearly limit of 1.6 M pounds.. pati brances sa ngipin ng mga bata covered pa din at kahit di malabo mata ko pwede bumili ng rayban at oakley ilagay mo lang sa resibo eh reading glass hehehehe.
^
talong talo ang medical benefits dito sa atin. ung medical benefits dito ang coverage ikaw lang. pag dyan sa abroad buong pamilya mo covered. baka pati pa gold plate ng ngipin pwede rin sir?![]()
Drill Sup ka boss?
Abroad muna for now. Wala yatang nagooffer ng rotational package sa Pinas,eh
Anyway, for me ang mahirap lang sa rotation is lagi ka mahohomesick. Pag first week of rotation ko kasi sobra lagi ang pagkahome sick ko, hehehe! Di ko lang sure yung mga nagstay sa ibang countries ng matagal.
pag nag work daw sa middle east dapat balbas sarado ka? totoo ba yun? o joke lang?
I was offered to work in the ME before to help manage the remittance network of one of the banks. USD salary, allowances for all my needs, plus i get to keep my Manila salary. After some thinking, i turned it down because my eldest child was still very young and i wanted her to see her father as she gained consciousness of the world. If i were single then maybe i would have gone after the carrot.
ako it was an easy decision for me. i graduated from college when there were no jobs available in the philippines. graduated 1986, 1987 wala pa ko trabaho kahit halos every week naga-apply ako. natutulog pa kami nuon sa pila ng applicants kasi pag 4am ka na dumating sa aaplayan mo e no. xxxx ka na sa pila, e 1 position lang ang open hahahaha! ganun kadami naga-apply, at kasabay pa namin naga-apply mga magna cumlaude graduates na ahead sa amin, batch 85 and even 84! (di gaya ngayon, pag honors student ka di ka pa graduate may tumatawag na sa iyo.) e lintek yan medalya ko e tansan ng bote ng red horse beer! kaya pag nakita ko na yung magna cumlaude na ahead sa akin sa pila umuuwi na lang ako.
meron pa kami inaplayan, sabi ng HR "yung UP grad dito sa kanan, yung hindi pwede na kayo umuwi." pumunta kami sa kanan, tapos sinabi namin dun sa HR nakakahiya ginawa nya kaya uuwi na din kami. so iniwan namin siya dun nakatang*. dami nagyaya ng inuman sa amin nung araw na yun!
when i did landed a job e late 1987 na. graduate ng UP, pasado ng board, minimum wage. ang galing! pagtapos ko magbayad ng utang ko sa canteen at ibawas yung pamasahe ko for the next 2 weeks e P300 na lang matitira para ibigay ko sa nanay ko. after 1 week umuutang na ulit ako kay ermats.
so i went abroad. 1988. kaso saudi, gag0 yung amo namin. bawas sweldo pag dating dun, wala bayad overtime, pag di nag-overtime wala bayad araw mo, at pag absent ka ng 1 day wala ka bayad ng 1 week. umuwi ako after 1 year after nakaipon na (hindi dahil sa sweldo ko kundi sa sideline). nag-resign ako, wala sa lahi namin ang alipin ba! yung naipon ko sa saudi ibinili ko ng jeep. minsan ako pumapasada sa gabi, munoz-proj8 lang byahe ko pero hanggang arroceros ang linya nun. apply ako ulit sa pinas nung 1989. ganun pa din, mahaba pa din ang pila. palakasan pa din. so apply din ulit ako sa abroad.
going 23 years na ko offshore. natatawa na lang ako pag naalala ko mga nadaanan ko na hirap.
Last edited by yebo; April 12th, 2013 at 10:35 AM.
I started as a helper, noon unang abroad ko my aim was to enter into Oil and Gas industry.. so mas maganda yung nag start ka baba until umangat ka. sad to say may regret din ako na nag stay ako ng 15 years in single company so naging routine lang ang work ko kahit na maraming new tech ang company na nilalagay sa bagong facilities nakaka sawa din. So I took an offer from onother company..
Im not a Drilling Supv. Im currently OIM(Onshore.Offshore Installation Manager) So basically from dirlling to production reported to me. (Upstream to Downstream tawag nila dito).. And I'll been in so many dept. kaya medyo advantage talaga yung napag daanan mo lahat ng hirap.
Yes batang PDO ako I was the youngest Employee they hired during that year. (1994) thru OmanPhil
^ bosing nightrock, nagwork din ako dyan sa oman nung 1991-92. sea and land drilling rig 8 (baka schlumberger drilling na sila ngayon). wala na siguro yung rig 8 ngayon obsolete na? gaya mo start din ako sa baba, motorman naman. tigasin. tigalinis, tigapunas, tigasalok, tigatiktik ng kalawang... mid '92 nalipat na ko offshore sa thailand.
T*ngn* naman bro.,- napaiyak naman ako sa istorya mo.... Totoo iyan.... Bw*kanen*ng mga Arabo sila!!!.... Pang MMK iyan... Puwedeng si John Lloyd Cruz ang yebo sa drama show....
Did not realize na malaki ang pinagdaanan mong hirap bago ka naging stable na OFW.... Akala ko puro ka gimik sa YMCA et al.... :naughty2:
Maswerte kasi ako nuong naghahanap ako ng trabaho right after college, dahil mga kumpanya na ang lumapit sa akin....
Pero, after 2.5 years na pagta-trabaho, kulang ang kita pa rin.... May kotse nga akong nabili, pero kulang para magpagawa na bahay... Binata pa ako nuon...
Kaya hayun,- nagbuno ako ng 2 taon sa Jeddah.... Hay naku,- Sodom at Gomorrah ang lugar na iyon (kasama ang ibang tropa ko)... at malimit, nasa Saudia City kami kasama ang mga stewardess(es).....
Hayun, - nakapag-ipon ako para bumili ng lupa sa isang maayos na subdivision at magpatayo ng bahay.... plus may ipon pa....
Tinawagan din ako ng dati kong pinagtatrabahuhan dito dahil alam nilang matatapos na ang contract ko....
Tapos nagpamilya na ako......Lipat bahay nang dumami na kami...
18.7K:vader:
Last edited by CVT; April 12th, 2013 at 10:58 AM.
Another good thing being OFW is maraming training ikaw mag sasawa sa mga company training kung saan saang bansa. at pag taas ng Dollar para na din tumaas sweldo. Kayang pag bumaba naman iyak kami OFW hehehe.
Im not saying na mas maganda mag work aborad kesa pinas marami din naman good company sa pinas kahit mga foreign company marami na din nag i invest sa phil. Lalo na yung ongoing exploration sa rectobank area sana wag lang mag kurakot, unlike ng last project ko sa Palawan. bago na itayo ang platform naka 5 ambulance at 3 clinic ang binigay namin sa city gov. which is part of our company policies na tumulong sa local community, ang masama lang abusado mga gov. officials yung iba lumalapit talaga para humingi ng lagay garapalan, (hindi ko na lang sabihin sino) kandidato pa naman ngayon senador.
And yes may rotation din dyan sa pinas, I'll been once got an offer from one foreign company (GALOC Field) it was a nice package sana I was about to sign the contract 2week off 2 weeks on.. kaso local currency sya 80K pesos ang basic at 3000$ allowance anak ng teteng naman ng kinalabasan yung allowance mapupunta lang lahat sa tax sabi ng HR ganon daw kasi ibang coputation ng tax pag lumampas ka sa certain limit ahhh na bwisit ako hindi ko tinangap.. sayang happy pa naman ako na sa pinas na final company ko just in case pero sayang kita sa abroad hehehehe![]()