pag nag work daw sa middle east dapat balbas sarado ka? totoo ba yun? o joke lang?
Another good thing being OFW is maraming training ikaw mag sasawa sa mga company training kung saan saang bansa. at pag taas ng Dollar para na din tumaas sweldo. Kayang pag bumaba naman iyak kami OFW hehehe.
Im not saying na mas maganda mag work aborad kesa pinas marami din naman good company sa pinas kahit mga foreign company marami na din nag i invest sa phil. Lalo na yung ongoing exploration sa rectobank area sana wag lang mag kurakot, unlike ng last project ko sa Palawan. bago na itayo ang platform naka 5 ambulance at 3 clinic ang binigay namin sa city gov. which is part of our company policies na tumulong sa local community, ang masama lang abusado mga gov. officials yung iba lumalapit talaga para humingi ng lagay garapalan, (hindi ko na lang sabihin sino) kandidato pa naman ngayon senador.
And yes may rotation din dyan sa pinas, I'll been once got an offer from one foreign company (GALOC Field) it was a nice package sana I was about to sign the contract 2week off 2 weeks on.. kaso local currency sya 80K pesos ang basic at 3000$ allowance anak ng teteng naman ng kinalabasan yung allowance mapupunta lang lahat sa tax sabi ng HR ganon daw kasi ibang coputation ng tax pag lumampas ka sa certain limit ahhh na bwisit ako hindi ko tinangap.. sayang happy pa naman ako na sa pinas na final company ko just in case pero sayang kita sa abroad hehehehe![]()
Been working outside the Philippines since year 2003, here are my places been through.
Ajman, Sharjah & Dubai UAE, year work there 2003 up to 2008, ok sana ang suweldo kaya lang nagkaproblema ang unang kumpanya ko 3 months delayed ang sahod stay there for 3-1/2 years, 2nd company na pinasukan ko malaki ang naging sahod ko wala nang delayed sa sahod. pero overworked ka naman, stay there for 1-1/2 years.
Henderson Western Australia year work ther 2008 up to 2010, nagtry mag-apply nakasuwerte din. malaki suweldo pero malaki din ang tax and insurances 22% withholding tax plus AUD 120 medical insurance which hindi ko naman nagamit, mahal ang rent nang bahay AUD 350/week, kailangan may car ka sa lugar na ito or else magtiyaga kang maghintay sa bus for about 30 minutes, But ok naman din pag Friday halfday lang sa work Saturday & Sunday walang pasok. Pero ang daming crab mentality sa bansa na yun. Especially sa ibang kapwa Pilipino kailangan maging patient ka. I was lay-off from work dahil reduce ang orders due to Economic crisis. Ibang mga Australian sa state nang WA mostly they were very polite and always explain how things work in there country, just my experience. Ang expenses sa vacation hindi sagot nang company doon. So you better save some money for airfare kung gusto mong magbakasyon, which nahirapan ako so hindi ako nakauwi for about 2 years.
Singapore, year work 2010-present, medyo different ang enviroment. Expensive din, mabait din ang amo ko, during nung dumating ako sinagot niya ang hotel expenses ko for 1 week so it would give me time to find a room for rent. Madaming Social climber na kababayan, Some asians workers are very rude. which kailangan unawain ko na lang. So far ok naman dito, Kaya always spend money wisely here or else mababaon ka sa mga utang dito.
I've always thank "God" na kahit ano na ang pinagdaanan ko. Hindi niya ako pinabayaan.
naging panuntunan ko noong nagttrabaho ako sa pinas kung di lang din ttriple ang sahod ko di ako mag aabroad. 2005 niyaya ako mag apply ng pinsan ko as clerk papuntang Libya offer sa akin $700 that time 50+php=$1. Sabi ko pwede na.apply. bagsak ako telephone operator, nung di nakabalik yung planner nag apply ako nakuha naman ako, pag galing ko bakasyon nilipat ako ng Warehouse as Materials coordinator dun ko nasabi na dito na ako mag aantay nang retiro at the age of 40 eh kaso nagka giyera kaya napunta dito sa Qatar. ok naman ngayon pero mas maganda bigyan sa North Africa kesa middle east
Pinababalik na ako ng dati kong kumpanya sa Libya kaso ayaw na ni misis
hiring sila ngayon
may branch pala sila dyan.![]()
Last edited by chrismarte; April 12th, 2013 at 01:45 PM.