Results 101 to 110 of 135
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2017
- Posts
- 15
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2016
- Posts
- 93
April 9th, 2018 08:10 AM #102
Same here (zambo del norte) ang presyo ng palay Sir, kaso lang wala nang pambili at naubos sa milling equipment. kahit papano may mga miling fees naman akong natatanggap.
Nyahahaha, sa kagat palay lahat ng costumer ko na pumupunta sa area ko ganyan ginagawa daig pa yung mga manok na pagala2 kung makatuka.
Sir baka sa mais pwede din kagatin? hahaha
-
April 9th, 2018 09:53 AM #103
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2017
- Posts
- 15
April 9th, 2018 10:10 AM #104Dito rin sa amin moncada tarlac, 90% ng mga tao dito nag rerely sa kagat method. Na kahit ako, malapit ko na sya ma master. Haha.
At ako mismo yung lilibot sa lahat ng bilad ko para tumuka este kumagat kung good for biyahe na ba or hindi pa.
Nakikita ko naman, mukhang magandang investment sya kasi para nga to minimize yung bilad kasi sabi nila oag overdry ang palay nababasag din daw.
For mais, hahaha! Sinubukan ko kagatin dati, pinagtawanan ako ng ahente ko. Haha. Kuko system or method sa mais.
Binabaon mo ung kuko mo dun sa puting area ng kernel. Kapag bumaon ng todo ibig sabihin basa pa. Pero pag binaon mo sya at medyo may force na. Dry na raw yun. Kaso medyo hindi ko kabisado ang mais kaya plano ko magrely sa mc tester na lng.
Anyway, balik ako sa palay. Alam nyo po ba kung anong mc ng palay ang maganda kapag bibili ng sariwa? Kasi yng iba farmers dito atat, kahit hindi pa masyado tuyo at magang maga pa ang palay eh pinapaharvest na agad. Sobrang basa ng iba. Kapag ganun malaki kasi ang reseco nun
Sent from my SM-E500H using Tapatalk
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2016
- Posts
- 93
April 9th, 2018 11:04 AM #105Bro, mayroon ata range ng MC ang fresh palay, nabasa ko yan dati, search mo lang si google : )
sa amin dito, nalalaman namin na maganda ang palay through sa timbang, yung sakong ginagamit namin dito ay yung LOPEZ na pang sugar, kapag puno ung sako na yun at hindi umabot man lang ng 50kilos timbang ibig sabihin magaan ang palay nya and expected reseco talaga yun, then makikita mo na marami pang green na butil, ibig sabin hindi pa fully matured ang iba so magaan yun at less recovery ng bigas, ginagawa namin ay less 1 peso or 2 pesos per kilo.
Kapag basa naman ang palay sa ulan - less 2-3 pesos per kilo.
Yun ung consequence ng mga farmer sa amin na pilit hinaharvest ung palay nila kahit hindi pa fully matured ung grains dahil ay hinahabol nila ang mataas na presyo ng fresh na palay.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2008
- Posts
- 358
April 9th, 2018 12:52 PM #106Mga sir tutal tungkol na din naman sa Palay ang usapan at sa tingin ko konektado naman-->Sino sa inyo na dito ang nakasubok o merong harvester ng palay? Worth it ba? Imagine lang naman, ikaw na magharvest ng palay mismo na bibilhin mo tapos gigilingin mo pa, parang sayo na lahat napunta kung sakaling kikita nga. Ano mga opinion nyo mga sir/ma'am..
Thank You In Advance..
-
April 9th, 2018 12:59 PM #107
Meron din po kami harvester, pwedi yun sa palay and mais just buy the cornkit. But its really costly, presyu ng brand new suv ung makina haha. Not all the places e tangap ng mga tao ang harvester be very carefull particulary sa ibang part ng norte kasi my mga nabalitaan ako na sinisira nila, ung sa amin napag tripan na siya once, nag overheat at umusok ng white smoke then we call the company sabi ba naman overhaul the engine daw which is 6 months palang siya, long story short ok na cya ngyun nilagyan lang pala ng bara ung aircleaner. Sorry medyu OT na yata. Sir choyjo if u want to invest on this machine PM nyu po ako matulungan kayu ng brother ko my discount sila na avail.cheers
Sent from my iPhone using Tapatalk
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2016
- Posts
- 93
April 9th, 2018 02:35 PM #108Hello, usually 10% ang bayad sa harvester, lets say 100 sacks ang lumabas sa ani so 10sacks naman ang bayad sa harvester, dati ayaw nila sa harvester dahil hindi malinis ang palay ang daming stems at dahon2 na nakahalo, pero kalaunan tanggap na ng mga farmers dahil mabilis ito, hindi ka maabutan ng ulan.
10 sacks at 50kilos/sack at 19Php/kilo = 9,500 roughly if converted to cash.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2005
- Posts
- 169
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2005
- Posts
- 169
April 9th, 2018 06:06 PM #110Mas efficient po ang pag harvest ng harvester, wala tapon at nahahabol sa ulan at maganda presyo. At ang pinaka gusto ng mga farmers ay hindi na nila kailangan ng mga taga-ani kasi sakit sa ulo mga tao.
Pero dapat na baguhin siguro ang tawag sa mga farmers ngayon kasi hindi naman talaga sila ang nagtatanim at nagaani ng mga palay. Tingin ko dapat i-upgrade na pangalan nila to haciendero :-)
Ganda nga po negosyo ang harvester kasi kaya daw nila 5-8 hectares a day kaya kung 9,500 ang gross x 5 hectares =P47,500 a day for about 2 months every cropping or 4 months in a year.
If focus is on SQ, I'd look at HU offerings from Kenwood, Pioneer, etc... not the off-brand Android...
Audio system upgrade