ts, regarding sa babuyan, medyo mahirap makipag-compete sa backyard piggery prices. yun dati ko work, medyo hindi ganun ka-profitable yun piggery considering na isa sila sa pinakamalaki pagdating sa poultry. kung accessible sa truck yun farm, try mo apply as contract growing ng poultry. sagot mo lang tao saka yun building.

regarding retail ng lpg. ok din sana ang profit basta kelangan ma-address mo issues na ibabato sa yo ng kapitbahay and the local government. mas ok kung ikaw magrerefill ng tanks kesa kukuha ka lang sa ahente.

yun hardware mukhang profitable basta may mga bagong tayo na subd sa area. dyan nagstart yun isang friend ko. ngayon siya na kinukunan ng gravel and sand ng karamihan na hardware sa area namin.

sa mga papasok sa negosyo, scout nyo yun area for competition. mas malaki chance mag-establish kung zero or minimal pa lang kakumpitensya nyo. regarding agricultural products, kalaban mo lagi ang weather saka kadalasan may grupo na nagkokontrol ng kalakal kaya kailangan maagpakilala ka sa kanila or hanap ka makakapag-introduce. mahirap mag-uwi ng kalakal lalo na kapag maramihan production mo.